Angel Locsin admits Marvin Agustin courted her, but they never became an item

IMAGE 0


Angel Locsin comments on Marvin Agustin's (inset, bottom) statement that she became very special to him. The young actress also dismisses talks that her partnership with new leading man Piolo Pascual (inset, top) would lead to romance.



Sa huling panayam kay Marvin Agustin, marami ang nagulat na sa pahapyaw na pagsasalita ng aktor ay lumalabas na nauwi sa espesyal na relasyon ang nabalitang panliligaw niya kay Angel Locsin. Naparatangan tuloy na ginagamit daw ni Marvin ang nasabing issue para may bagong pag-usapan sa kanya.

Nang makausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa ASAP '07 kahapon, September 30, ay agad namin siyang tinanong tungkol sa naging pahayag ni Marvin.



"Actually, hindi ko alam kung ano ang mga nasabi niya talaga, so hindi ako makapag-comment. Sa akin lang, wala siyang ipinakitang pangit sa akin. Naging mabait siya, so di ako makakapagsalita," panimulang pahayag ng young actress.



"Doon sa gamit issue, hindi naman siguro," patuloy niya. "Si Marvin, never naman siyang nanggamit. Hindi ko alam yung mga nangyari, kung ano ang tinanong, kung paano siya tinanong, kung paano siya nagsalita, kung ano ang sinabi niya. Hindi ko alam ‘yon. Basta si Marvin, naging mabait siya sa akin."

Diretsahan na naming tinanong si Angel kung hanggang saan ba talaga umabot ang relasyon nila ni Marvin, na nakasama niya sa huling proyekto niya sa GMA-7 na Asian Treasures. Totoo bang nanligaw ang aktor sa kanya o umabot ba sa isang totohanang relasyon ang lahat?



"Siya siguro dapat ang sumagot kung nanligaw talaga siya," sabi ni Angel. "But siguro nga, parang ganun... Pero hindi naging kami. Alam naman niya na ayoko pang mag-boyfriend kasi, di ba, isa nga sa dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ni Oyo [Sotto] is time? Tapos papasok pa ako sa bagong pakikipagrelasyon? Saka sa mga intrigang pinasukan ko, unfair naman sa magiging partner ko kung madadamay siya."

PIOLO PASCUAL. Sa unang teleserye ni Angel sa ABS-CBN, tentatively titled La Loba Blanca, si Piolo Pascual ang kanyang katambal. Sa estado ngayon ni Piolo na naghahanap na ng seryosohang relasyon, marami ang nag-iisip na baka mauwi sa panliligaw ang pagtatambal nila ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinatago ng bagong Kapamilya star na crush niya ang mahusay na aktor, pero wala pa raw talaga sa isip niya ngayon ang pakikipagrelasyon.



"Crush ko si Piolo," pag-amin ni Angel. "Alam mo naman si Piolo, crush ng bayan. Alam ko rin naman, alam ni Piolo na pag kasama ko siya, hindi ako makapagsalita. Natutunganga ako pag kasama ko siya. Napakabait naman kasing tao nun.



"Kami ni Piolo, mas priority namin ang trabaho namin. Alam namin ang ginagawa namin is trabaho and hindi maganda na haluan ng kung anu-anong emosyon. Gusto ko lang talaga sa kung anu-anong pinagdadaanan niya, susuportahan ko siya bilang isang totoong kaibigan. Promise ko sa sarili ko na kung sino ang unang makaka-partner ko dito sa ABS, kung paano ako kay Richard [Gutierrez], kung ano ang suportang ibinigay ko sa kanya, dodoblehin ko. At si Piolo nga ‘yon," paliwanag ni Angel bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN