Gladys Reyes has "solid" marriage and business

IMAGE 0


Gladys Reyes first met Christopher Roxas on the set of ABS-CBN TV soap Mara Clara. She was 14, and he was 12. They got married last January 23, 2004—twelve years after they became officially "on."


One year na rin pala simula nang itayo ni Gladys Reyes ang kanyang first business venture na K.S.A. Magic Enterprises, kung saan ay puro pampaputi ang karaniwang product niya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gladys, sinabi nitong suwerte kasi sa kanya ang buwan ng October kaya kahit kasagsagan ng ulan noong Lunes, October 1, ay itinuloy pa rin niya ang pagse-celebrate ng first year anniversary ng K.S.A. sa kauna-unahang store nito sa Metropolis, Alabang.

Bukod sa mga closest friends ni Gladys sa showbiz na sina Carmi Martin at Angelu de Leon, dumating din ang mag-sweetheart na sina Jennylyn Mercado at Partrick Garcia. Ayon kay Gladys, nagsimula silang maging close ni Jennylyn nang magkasama sila sa isang episode ng Magpakailanman.

Pinatunayan pa ni Gladys kung gaano kasuwerte sa kanya ang buwan ng October. "Suwerte siyang talaga dahil ngayong buwang ito, may isa pa kaming branch na bubuksan sa SM Pampanga naman. At kung matatandaan n'yo, last year, October rin nang buksan nga namin itong K.S.A. at kakatapos lang ng bagyong Milenyo noon, brown-out pa, pero, itinuloy pa rin namin ang opening.

"At ngayon nga, I'm proud to say na ang dealers namin ay nasa 500 na. Kumbaga, sa isang taon, parang sobrang ang dami ng nangyari," ang simulang pahayag ni Gladys na very hands-on talaga sa kanyang negosyo."

Ayon pa sa character actress, isa raw talaga sa mga pangarap niya ang magkaroon ng business. At malaki raw ang pasasalamat niya dahil mismong ang asawa niyang si Christopher Roxas ay very hands-on din sa business nila at buong-buo ang suporta sa kanya.

"Sa totoo lang, akala ng mga tao ay endorser lang ako. Siyempre, nakikita nila ang billboard ko sa Edsa na nilait-lait pa ni Mo Twister noon," natatawa niyang biro.

Dagdag pa niya, "At saka siyempre, sa product mismo. Pero nagugulat sila, especially kapag pine-present ko na sa malalaking company, ako mismo ang
nagpe-present ng products. Ako mismo ang nakikipag-meeting sa kanila. So, ang dami-rami kong natutuhan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRIED LIFE. Kay Gladys din namin nalaman na dahil sa business nila, nasangkot sa intriga ang pagsasama nila bilang mag-asawa: muntik- muntikan raw silang maghiwalay ni Chris.

"Hindi totoo yun! Dahil sa totoo lang, dahil sa business namin, mas nagkaroon pa kami ng solid na samahan ni Chris. Siguro, iniisip nila na dahil sa sobrang busy, hindi na kami nagkakaroon ng quality time ni Chris, pero hindi totoo yun dahil tingnan n'yo na nga lang, up to now, nagpapa- breastfeed pa ko," ang pagmamalaki niya. Their one and only child Christoph is now turning two.

Sinasabi kasi na sa kanilang dalawa, siya na babae pa raw ang mas busy, mas kumikikita ng malaki. Anong masasabi niya tungkol doon?

Aniya, "Well, siyempre, unfair yun for Christopher. Unang-una, wala akong dapat ipaliwanag dahil hindi yun totoo. Pero for the sake of those...okey, ako naman, ang narinig ko naman at ang gusto kong linawin na dahil sa business, muntik na kaming magkahiwalay."

"Unang-una, ang faith naming dalawa ay pareho. At palagi kaming nananalangin na, siyempre, hindi naman kami perfect couple at nagkakatampuhan din kami pero kapag nandoon ang anak mo,
makakalimutan mo yata ang mga tampuhan. Wala...walang katotohanan yun."

So, once and for all, puwede niya bang linawing hindi umaasa lang sa kanya si Christopher?

"Ay hindi! Tahimik lang kasi si Christopher. Ako kasi, known na medyo madaldal, ‘di ba? So, ako yung parang kikay, ako yung maingay, so, akala nila ako lang yung hands-on sa business. Pero hindi nila alam na malaki ang part ni Chris sa business namin," ang mabilis nitong sagot.

Sa pagpapatuloy niya, "Sa amin ni Chris, never na naging isyu sa amin ang pera. Mas isyu pa sa amin ang kung sino ang mas spoiler sa anak. Si Christopher kasi, may tendency siya na hindi niya mapagalitan si Christoph."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw totoo na "ander" niya ang Mister?

"Ay hindi, hindi! Mukha lang po akong ganito. Mukha lang akong nag-a-ander, pero actually, kaya ko naman maging submissive lalo na sa asawa. Ako pa na lumaki ako sa isang buong pamilya, so, hinding-hindi ko iri-risk na anumang success na makakasira ng relationship namin. Akala n'yo, tatahi-tahimik yan, pero kapag sinabi niya, firm talaga! Siya talaga ang nasusunod," pagdidiin ni Gladys.

Sa huli, tinanong din ng PEP si Gladys kung iiwan na ba niya ang showbiz dahil mayaman na siya?

"Hindi totoo ‘yan. How I wish...sana nga, yumaman ako sa sabon! May pera sa sabon," natatawa niyang sabi. "Pero ako naman, hindi ko naman hinahangad na yumaman nang yumaman nang yumaman. Basta ba, stable at saka, siyempre, yung family nga...katulad nga ng sinasabi ko, aanhin mo
naman yung sobrang yaman pero yung family mo naman, eh, talagang naapektuhan na, ‘di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN