Dino Guevarra ready to face ex-wife Kim delos Santos

IMAGE 0


"I have the utmost respect for her. Hindi nawawala ang respeto ko sa kanya. If you look at my interviews, simula nang umalis siya, never naman akong nagsalita ng laban sa kanya," says Dino Guevarra about ex-wife and former teen star Kim delos Santos.



Todo-iwas ang aktor na si Dino Guevarra sa tuwing pag-uusapan ang kanyang dating asawang si Kim delos Santos. Mula kasi nang umalis si Kim sa Pilipinas may dalawang taon na ang nakararaan, bibihira ang naging interview ni Dino tungkol sa isyu.

Masasabing nakapag-move on na si Dino dahil masaya na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend ngayon. Si Kim naman, tila nanahimik na rin sa Amerika.

Pero nitong nakaraang weekend, umugong ang balitang uuwi si Kim sa bansa para ayusin diumano ang annulment ng kasal nila ni Dino.

Ayon sa dating matinee idol, nakahanda raw siyang makaharap ang dating asawa kung mabibigyan ng pagkakataon.

"Kung tatawagan niya ako? Bakit naman hindi? Wala namang kaso dun," pahayag ni Dino sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News.

Naiintindihan daw ni Dino na mapag-uusapan na naman ang isyung matagal-tagal na rin niyang iniiwasan sa pagbabalik ni Kim.

Pero may pakiusap agad ang aktor. "Alam ko naman na mapag-uusapan ulit kami ni Kim. Hindi naman maiiwasan ‘yon kasi public figure kami. Artista kami. Pero ang pakiusap ko lang sana, lalo na sa mga kaibigan ko sa press, na sana ibalato na lang sa akin ito," sabi ni Dino.

Aminado rin si Dino na matindi pa rin ang respeto niya sa dating asawa at maluwag niyang tatanggapin kung patungo sa landas ng pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon.

"I have the utmost respect for her. Hindi nawawala ang respeto ko sa kanya. If you look at my interviews, simula nang umalis siya, never naman akong nagsalita ng laban sa kanya.

"Kaya ayoko nga nagpapa-interview tulad nito, kasi minsan nakakalungkot dahil kahit maganda ang sinasabi ko tungkol sa kanya [Kim], parang masama pa ang interpretation ng mga tao," malungkot na pahayag ni Dino.

Samantala, sinubukang kumpirmahin ng GMA News at PEP kung nasa bansa na nga si Kim. Ilang taong malalapit sa kanya ang aming tinanong, pero wala raw silang alam sa pagdating ng dating aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan din naming tawagan ang telepono ni Kim sa Los Angeles, California, pero walang sumasagot dito.

Sina Dino at Kim ang isa sa pinakamainit na tambalan noon sa bakuran ng Viva Films, kasama nina Dingdong Dantes & Antoinette Taus at sina Polo Ravales & Sunshine Dizon. Naging magkasintahan sa tunay na buhay ang tatlong tambalan, pero sina Dino at Kim lang ang nagpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN