Cueshe band's Jay Justiniani turns to acting in Cebuanovela

IMAGE 0


Cueshe vocalist Jay Justiniani shifts from singing to acting as he stars in the Cebuanovela Saranghe. Jay co-stars with a Cebuana actress and a Korean actor in this soap opera, which will air in the Visayas and in Mindanao.


Artista na sa telebisyon ang bokalista ng bandang Cueshe na si Jay Justiniani.

Gumaganap na bidang aktor si Jay sa isang soap opera sa kanyang hometown sa Cebu, ang Saranghe na Korean word for "I love you."

Isang Cebuana local actress at isang full-blooded Korean ang kasama ni Jay sa naturang drama series.

Gaganap na isang taxi driver si Jay na may lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigang babae. Magsisimula ang conflict dahil may makikilalang isang Koreano ang babaeng mahal niya at magkakagustuhan ang dalawa, na pag-uumpisahan ng isang makulay na love triangle.

Tuwing weekdays ang taping ni Jay for Saranghe at kapag may show naman ang Cueshe sa Maynila ay bumibiyahe ito pabalik. Kapag wala namang gigs ang kanyang banda ay tuluy-tuloy ang tapings niya for his drama series.

Nag-e-enjoy nang husto si Jay sa kanyang very first major acting project dahil bukod sa pagkanta ay may talento rin si Jay sa pagganap sa harap ng kamera.

Ipapalabas sa buong Visayas at Mindanao simula sa October 15 ang Saranghe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN