Comedienne Gladys Gueverra laughs off tattle she's preggy

IMAGE 0


Gladys Gueverra (in photo with boyfriend Philip Peredo) dismisses pregnancy rumors withher usual boisterous laugh. The comedienne says that she stays at acousin's house in New Jersey while vacationing in the U.S.


Nasa New Jersey si Gladys Gueverra nangtumawag kagabi sa Startalk at sa PEP (Philippine Entertainment Portal).Nakarating kasi sa komedyana ang balitang nagdadalang-tao raw siya.

Isang mariing tawa ang isinagot ni Gladys saisyu.

"Nakakatawa, sanay na naman tayo sa showbiz, diba? Kapag nawawala ka, buntis nagtatago. ‘Pag bumalik ka na wala kang dalangbata, nagpalaglag, di ba?" ani Gladys.

May ilang buwan nang namamalagi si Gladys sa NewJersey kasama ang kanyang boyfriend na si Philip Peredo.

Mula nang sumamang umalis si Gladys kay Philip,hindi na ito bumalik sa bansa.

"Hindi ako titira dito. Actually ang unang plano[namin] ni Philip, is ma-consume lang [ang visa] kasi kapag naka-multiple entryvisa ka... Kapag naka tourist visa ka, puwede kang mag-stay sa U.S. up to sixmonths," paliwanag ni Gladys.

"Mahirap magtagal dito tapos mahihirapan akongbumalik kasi, di ba, nagso-show pa rin tayo sa U.S. Pabalik-balik so ayokongma-question kaya pinakamatagal ko na two or three months. Bakasyon lang talagaito saka wala pang matinding something kaya nakakatawa kasi andidito na ngaako."

Nilinaw rin ni Gladys ang set-up nila ni Philip.Matatandaang inamin ng boyfriend na nakapag-pundar na siya ng titirahan nila niGladys sa New Jersey. Mas maganda raw ang ganun dahil kasama niya anggirlfriend sa tuwing bibisita ito sa Amerika.

"Masaya kami ni Philip, lagi kaming nagkikita.Saka iko-korek ko lang kasi ang daming nagtatanong sa akin kung nagsasama naraw ba kami ni Philip, nagpakasal na raw ba kami. Sabi ko hindi, nakatira akosa pinsan ko. Hindi kami magkasama ni Philip, nagkikita kami kasi parehong saNew Jersey kami," paglilinaw ng comedienne.

"Nakakatawa naman.Alam mo bakit ako natatawa kasi ang naikuwento sa akin na nakalagay raw diyaryo,usap-usapan sa New Jersey ng mga Filipino. What's funny about it [is that] walakaming masyadong Filipino na nakakausap dito. Yung area namin siguro thirty-minute drive para makakita ka ng maraming Filipino, saka hindi ako naglalalabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan na rawnina Philip at Gladys ang magpakasal pero hindi pa ganoon kalinaw ito.

"May plano pero wala pakaming date, saka wala kaming lokasyon. Gusto muna naming i-enjoy ang sarapkasi, e. Mag-enjoy muna, di ba? Sabi rin ni Philip, relax muna ako from mywork," sabi ni Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN