Dina Bonnevie now appreciates former foe Rosanna Roces as a person

IMAGE 0


Ms. Dina Bonneviefinds that she has some things in common with Rosanna Roces, her former enemy.Her views about Osang changed when they were able to work together in theABS-CBN drama series Natutulog Ba ang Diyos?


Mapapanood si Ms.Dina Bonnevie sa isang primetime series ng GMA-7 by next year.

Nakausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Ms. D. nang ma-guest ito last Saturday, October 6, sa pre-final week ng U CanDance ng ABS-CBN. Ayon kay Ms. D.magtatapos na nga raw ang kanilang series na Natutulog Ba ang Diyos? intwo weeks time, pero, after her NBAD, mapapanood naman siya sa kabilang network, GMA-7.

Hindi ikinaila ni Ms. D. na may koneksiyonang naging isyu noon sa pagtanggap ng kanyang manager na si Arnold Vegafria ngproject sa Kapuso at Kapamilya network nang sabay ay wala siyang kaalam-alam.

"I'm going to do one soap in GMA-7. Siyempre,I don't want to burn bridges naman. Kahit papaano, nagkaroon din naman ako ng show sa Channel 7 for six years. Pero isa lang naman ang gagawin ko, then I'll go backto Channel 2," paliwanag ni Ms. D.

Hindi pa lang daw niya pupuwedeng i-revealkung anong primetime series ang gagawin niya, pero malamang daw na ito ang magiging kapalit ng Marimar.

"Primetime siya at next year pa siyamaipapalabas. Pero we'll start taping na rin this year. Ako naman, I'm very thankful na after whathappened, wala namang naging problema with both networks. Sabi ko nga, hindi korin naman kasalanan ‘yon. I didn't even know na tinanggap pala ni Arnold. Inamin niya lang sa akin on the day of thepresscon ng Natutulog Ba ang Diyos? At kaya ko lang din naman nalamannang sinabi sa akin ng press! Kaya, para hindi naman magalit ang GMA,pagbibigyan din namin ang GMA-7."

Gayunpaman, aminado si Ms. D na mas identified na talaga siya as a Kapamilya star. "I think kasi for how manyyears, I've been doing soaps in Channel 2, di ba? Hiram, then Walang Kapalit, and then Natutulog...Ithink, more or less, mas na-identify na ako sa Dos. And this time naman, nagpaalamnaman kami nang maayos dahil ‘yon na nga, nagkasabay ang offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And besides, wala naman akong exclusivecontract sa kahit anong studio. But let just say na sa Channel 7, ang nagawa kolang namang soap is Ikaw Lang ang Mamahalin and Narito ang Puso Ko.Let's just say na itong soap na gagawin ko, will be third. So, patas na langsila. Tig-three na. Tingnan na lang natin kung saan ako mananatili. Magiging Kapusoba ako o Kapamilya?"

Pero ang pinaka-wish si Ms. Day yung makabalik daw siya talaga sa hosting.

"I wish...I wish talaga! I wish na mabalik ako sa pagho-host. Ireally love yung morning talk show. Kahit hindi maging morning, basta a showna ganoon. Kasi ang daming mga fans talaga na nakikinig sa show, talagang theyvalue the advices. Na kahit hindi na akonaghu-host ng show, palagi pa rin nila akong tinatanong.

"Kaya sabi ko, sana mabigyan ulit ako nghosting show. Kahit na hindi morning show, kahit once a week, okay na ‘yon."

ON ROSANNA ROCES. Natuwa naman si Ms. D nang hingan siya ng PEPng reaction na among the cast of Natutulog, silang dalawa ni RosannaRoces ang sinasabing inaabangan talaga ang mga eksena at acting-wise ay sila angnagdadala ng serye.

"Talaga? Wow! Nakakataba naman ng puso 'yan nasa amin ibinibigay ang credit. Thank you so much kung sa tingin nila nabubuhay angsoap dahil sa acting namin ni Osang, maraming salamat!

"Actually, malaki rin ang relevance sa akinng Natutulog kasi this is the first time I worked with Osang. At sa tagal-tagal na panahon na hindi kami nag-uusap. Kasi, wedidn't like each other. Let's face it, I really did dislike her and she diddislike me."

Matatandaang nagsimula ang kanilang alitannang may mga nagkomento na kamukha raw ni Osang si Dina.

"Pero nakakapagtaka na nang magkasama kami saisang project, lahat na lang ng lumalabas parang gimmick, press... Sabi nga niya, minsandaw hindi naman daw nanggagaling sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Talaga lang? E, angsaki-sakit mong magsasalita sa TV ng kung ano-ano! Sigurado ka bang hindi galing sa ‘yo?'

"Tapos, sabi niya sa akin, 'Ano ba ang pinakasasama-samang loob mo?'

"Sabi ko, 'Nang tinawag moakong laos!' Pero sabi ko, 'In fairness, nang tinawag mo akong laos, ang dami-damikong projects, tapos ikaw nawala!' Tapos, tumawa lang siya.

"Sabiniya, 'Wala na ‘yon. Hindi ko nga alamkung saan nanggaling ‘yon. Sa akin ba nanggaling ‘yon?'

"Sabi ko,'Oo! Sabi ng diyaryo!'

"Sabi rin niya, 'Naku, kalimutan na natin‘yon. Matatanda na tayo. Past is past.'"

Kuwento rin ni Ms. D, sa pinagsama rin dawnila ni Osang sa taping ng Natutulog, mas nakilala niya raw ito hindi nalang bilang Rosanna Roces...

"I got to know her as a person. Noon kasi,akala ko napaka-worldly. Noon kasi, sabiko, 'Itong babaeng ito walang inatupag kundi maghubad, pera, manlait ng mga tao!'Pero when I met her in Natutulog...hindi kasi kami pareho ng set. Set kosa mansion, siya naman sa squatter.

"Pero nagulat ako na ano rin pala siya, she'sreally a mother na madamdamin din. Just like me. Then, na meet ko ang anakniya, si Onyok. Madalas naming pag-usapan si Grace, si Onyok. Yung lovelife niya. Bakit sila naghiwalayng asawa niya? ‘Yung nanay niya...yungtotoong nanay niya na sana nga raw, hindi na lang niya na-meet dahil lalo langgumulo ang buhay niya.

"Now, I ask, bakit kaya naging ganoon angimpression ko kay Osang? Kasi, everythingI thought about her is not naman pala the real Osang. But the real Jennifer[Molina]...I forgot her surname, pero sobrang napaka-down-to-earth. Alam mo, ang lambot pala niya sa loob."

Dugtong pa ni Dina, may similarity raw palasila pagdating sa bagay na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, sa labas, mataray, ang tapang niMs. D. Pero deep inside, mga pusong mamon kami. And I'm happy that I was givena chance to work with her. Sabi ko nga,siguro talagang inaayos ng Diyos kasi dati, si Kris [Aquino], I also don't liketo work with her."

Kung matatandaan, before Hiram ay maymga isyu rin between Ms. D and Kris.

"Dati rin, ayoko siyang makausap, hate kosiya! Pero nang magkasama kami, nagkabati kami," natatawang pagkuwento ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN