Lyka Ugarte finds her way back to showbiz

IMAGE 0


The last news about Lyka Ugarte was about her suicide attempts. Now she's back to tell the good news herself that she's moving on and ready to face the world and cameras again.


Masarap at kuwela paring kausap si Lyka Ugarte, isa sa mga pinakaseksi at pinakamagandang artistanoong '80s. Sa pakikipag-usap niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal)kamakailan, maraming ibinahagi ang half-Pinay, half-British sexy actress, whose real name is Yoraidyl (ananagram of her parents' name: Lydia andRoy) Stone.

After she won firstrunner-up at the Mutya ng Pilipinas pageant when she was 17, she representedthe Philippines in the 1984 Most Beautiful Girl international search in Ohio, USA. Siyadapat ang gagamit ng pangalang Lala Montelibano nang alukin siya noon ng Regal Filmspara maging contract star, pero umurong siya at ang kanyang ina nang mabasa angkontrata ni Mother Lily Monteverde.

"Naku natakot ang nanay ko sa mga boldprojects na planong ibigay sa akin," ang pagbalik-tanaw ng aktres naduring that time ay pagpapaseksi lang daw ang kayang gawin.

DirectorDanny Zialcita took notice of her and immediately cast her as the "naïve sexyyoung lass" in the hit comedy May Lamok sa Loob ng Kulambo. Ang sequel nitong May Daga sa Labas ng Lungga ay naging hit din. Thefact is, siya ang maituturing na last discovery ng magaling na direktor.

Moreprojects came after she made her debut on the silver screen. She was then pairedwith young action superstars Rudy Fernandez and Bong Revilla. Napasabak dinsiya sa ilang comedy at drama movies.

Very promising angcareer ni Lyka that time until she fell in love and in her own words, "nagpaka-istupidasa ngalan ng pag-ibig."

She left movies in theearly ‘90s, went to the States for a while, at sinubukang mamuhay dun with herkids. When she returned, she worked as cinema operations manager of all SM theatersin 2000.

As a divorcee, she triedto raise her four children decently. Panaka-naka siyang bumabalik sa telebisyonkapag may magandang alok at hindi naman niya talaga totally nakalimutan angmundong ito, kung saan ay nakilala niya ang close friends niyang sina IsabelLopez at Princess Punzalan. Okay na raw sana sa kanya ang bagong buhay as acorporate career woman na somehow ay connected pa rin sa showbiz industry,until she fell in love again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko ba kungbakit windang talaga ako pagdating sa pagiging istupida sa ngalan ngpag-ibig," ang nasambit muli ni Lyka tungkol sa katatapos lang niyangrelasyon sa isang "taong-gobyerno."

Medyo traumatic angkaranasan ng dating sexy star sa huli nitong nakarelasyon lalo pa't may usaping"salapi" sa paghihiwalay nila. For three years, nagsama sila as "partners."

"I've given up everythingto try to be a good partner to him and a mother to his children and mine. Peroyun nga, magaling siguro siyang magdala o umarte for him to be able to manageto maintain two affairs at the same time. Yun ang talagang hindi koma-take," ang kuwento pa nito sa PEP, at sabay ipinagtapat na dalawang beses siya nagtangkang magpakamatay.

"I do not want togo into the horrific details of it dahil nakakahiya sa mga anak ko. When I sawthem na sila yung sobrang naapektuhan ng mga pangyayari sa mga kagagahan ko,'tsuk,' may tumusok sa kunsensya ko. Sabi ko, 'hindi na puwede ito.' I was oncean addict, nabaliw sa pag-ibig, naloko ng lalaki, ‘tapos may ganito uli. Huwagnaman," ang sunud-sunod niyang pahayag.

Patuloy pa rin ang mgatherapy sessions niya, "pero, kapatid, I need to work also. Kayako naman at may mga nagtitiwala pa. At least dun ako mag-uumpisa," ang tsikapa ng dating beauty queen.

Sa ngayon ay magbabalikshowbiz si Lyka via her offbeat role as Angelica de la Cruz's aunt sa Prinsesang Banyera, isang afternoon TV series sa ABS-CBN. With her manager NeneRiego, she hopes to get reconnected to the industry she once loved andenjoyed.

"Pero I still wantmy ex-partner to know na may utang pa rin siyang dapat bayaran sa akin.Nakikiusap pa ako sa ngayon kahit na nandededma siya. I still have his bouncedchecks at ayaw ko nang pahabain pa ito. 300K is still 300 thousand, at kaya korin siya sinisingil ay dahil part yun ng ipinamanang pera sa akin ng tatayko," ang hirit pa ni Ms. Lyka Ugarte, who takes pride in taking care ofher four children na pawang mga ismarte at nag-aaral sa reputable schools.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Her eldest son isgraduating this year, while her second daughter is taking up Nursing. The third,who happens to be a girl, is an incoming college sophomore, and her youngest sonis in high school.

Although Ms. Lyka prefersto shield them from the glaring flash of cameras, aware naman daw siya samga "nakakabit" na isyu lalo na yung tungkol sa anak nila ni Major Jude Estrada,whom she simply described as a good-hearted person at isang matalik niyangkaibigan hanggang sa ngayon.

"Tawagin na langnating 'kapamilya ko pa rin' ang mga ama ng mga anak ko. Yun man lang ayma-deserve nila," pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN