Former teen star Kim delos Santos back in the Philippines

IMAGE 0


"I'm actually grateful kasi yung mga nangyari sa akin sa Amerika, itmade me a better person. I know what it feels like to work like a dog.Experiencing it made me a better person. I'm happy," says Kim delos Santos about her stay in the U.S. after her separation from Dino Guevarra (inset).



Tahimik na dumating ng Pilipinas ang dating teen actress na si Kim delos Santos mula sa United States. Napabalita na isa sa mga dahilan ng kanyang pagbabalik sa bansa ay upang harapin ang annulment case na isinampa ng dati niyang asawa na si Dino Guevarra.



"I came home for the family event," mabilis na paglilinaw ni Kim sa panayam sa kanya ng The Buzz last Sunday, October 7. "My brother asked me to come home. I wasn't really planning kasi I'm not yet really settled sa Amerika. I still have school.... I'm afraid, honest. Just to come back na walang kasiguraduhan, I'm afraid," pag-amin niya.



Itinanggi naman ni Kim na natatakot siya na magkita sila ni Dino.



"Yung sa amin ni Dino, it's done and over with," mariing sabi ni Kim.



Sumikat ang loveteam nina Kim at Dino noong 1998, kasabay ng Viva loveteams na sina Dingdong Dantes & Antoinette Taus at Sunshine Dizon & Polo Ravales. Naging magkasintahan sina Kim at Dino at nagpakasal noong 2002. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin sila pagkatapos ng dalawang taon. July this year nang muli silang nagkausap ni Dino nang mag-email ang aktor kay Kim tungkol sa pagpa-file niya ng petition for annulment.



Ani Kim, "I was happy. It's a closure for me and for him. We both moved on. Masaya na ako.

"He just told me that he filed for annulment. He gave me the reasons. When I saw the grounds for annulment, sabi ko, ‘You know what? Whatever, basta matapos lang.' Psychological incapacity and the other one is marital differences," lahad niya.



Inamin ni Kim na matagal na niyang napatawad si Dino.



"I emailed him once kasi he emailed me saying sorry. Sabi ko, ‘You know, I've forgiven you a long time na.' I'm actually grateful kasi yung mga nangyari sa akin sa Amerika, it made me a better person. I know what it feels like to work like a dog. Experiencing it made me a better person. I'm happy," naluluhang pahayag ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala rin daw siyang pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay.



"Things happen. Everything falls into place at the right time. When I look back, I can say to myself na I really worked hard."



Kung meron daw siyang gustong makita at makausap dito sa Pilipinas, ito ay ang anak ni Dino na si Ethan.



"I wanted to see him kasi I haven't seen him in a while," sabi ni Kim. "I haven't called him. I feel bad kasi parang bigla ko na lang binitiwan. I pushed myself away. Ayoko naman na lumabas na parang I'm using the kid to get to Dino. So, I stopped myself."



Humingi rin ng sorry si Kim sa bata dahil hindi na niya ito naalagaan. Kasunod nito ang pagbibigay niya ng mensahe kay Dino.



"Sorry din sa mga pagkukulang ko. Gusto kong mag-sorry sa kanya sa mga pagkukulang ko as a wife now. I wish him the best. I think we both have grown and we're both happy kung sino man ang kasama namin ngayon," pahayag ni Kim.



Hindi naman naglihim si Kim na may bago siyang boyfriend at ang sabi'y may isang taon na rin ang kanilang relasyon.



"Yeah, I won't lie. He's Filipino, pure," nakangiting sabi ni Kim bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN