Heart Evangelista will say 'yes' when boyfriend Echo Rosales proposes

IMAGE 0


"Isang simple wedding for the family at isang big wedding para namanlahat ng mga kaibigan namin, pati na kayo from the press, will bethere," says Heart Evangelista about her dream wedding with boyfriend Jericho Rosales.



Isang engrandeng kasalan ang kinunang eksena kina Jericho Rosales at Heart Evangelista last Friday, October 5, para sa Pangarap na Bituin ng ABS-CBN. Big scene ang kinunang eksena ng direktor ng nasabing teleserye na si Erick Salud sa Fernwood Gardens, Quezon City with the whole cast.



Pagkatapos kunan ng eksena ay kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Echo at Heart. Ayon sa magkasintahan, ang bonggang wedding scene nila sa Pangarap na Bituin ang ikatlong beses na "ikinasal" sila sa simbahan.



"Yeah, na-practice na namin nang husto yung paglalakad sa aisle!" natatawang bungad ni Jericho.



Kailan ba ang totoong wedding nila?



"Actually, hindi pa rin namin alam," sagot ng aktor. "There's still a lot of things na kailangan naming i-prioritize at this point. Ayaw naman namin na basta-basta na lang kami papasok sa isang bagay na hindi pa kami handa. May mga bagay rin na dapat pang ayusin."



Isa kaya sa mga dapat ayusin ni Jericho ang relasyon niya sa pamilya ni Heart na diumano'y hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tanggap?



"In God's time," sagot ni Echo. "I just pray about it and I understand naman how they feel bilang mga magulang."



Ano naman ang masasabi niya na okay na si Heart at ang Daddy nito? Kailan naman kaya siya susunod na makikipag-usap sa ama ng kanyang kasintahan?



"Natuwa ako nung ikinuwento niya sa akin yung nangyari sa kanila ng Dad niya. I know matagal na niyang planong gawin ‘yon and, finally, nagawa na niya.



"Yung sa akin," patuloy ni Jericho, "I can't really, really tell. But of course, I wish that someday, I will be given a chance na ma-meet ko rin sila. I believe there's a right time for that. Hihintayin ko kung kailan ‘yon. Mahirap din naman kasi pilitin o maging pabigla-bigla tayo sa mga bagay-bagay na mahalaga sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin naman ni Echo na napag-uusapan na nila kahit paano ang plano kung sakaling ikasal sila. Si Heart ang nagkuwento sa amin na kapag magdesisyon na sila, dalawang beses magaganap ang kanilang kasal.



"Isang simple wedding for the family at isang big wedding para naman lahat ng mga kaibigan namin, pati na kayo from the press, will be there," nakangiting sabi ni Heart.



Ipinarating namin kay Echo ang sinabi ni Heart na she's just waiting kung kailan magpo-propose sa kanya ang aktor. Kahit daw mag-propose ng kasal sa kanya bukas si Echo, she will readily say "Yes."



"Wow! Magandang senyales ‘yan!" gulat na reaksiyon ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN