Freelance star Sheryl Cruz says switching channels is no big deal

IMAGE 0


"Kung maraming taong nagsasabi na wala akong utang na loobdahil tumanggap ako ng trabaho rito [sa ABS-CBN], opinion nila ‘yon.Hindi ako nagagalit sa kanila dahil artista kami," says Sheryl Cruz about her decision to do a project for ABS-CBN after her stint with GMA-7.



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Sheryl Cruz sa parking lot ng ELJ Building sa ABS-CBN compound nang bigla itong mawala kaagad sa press conference ng Love Spell Presents Cindy-rella kahapon, October 8.

Ayon sa manager ni Sheryl na si Dolor Guevarra, maaga pa raw kasi ang call time ni Sheryl kaya hindi na ito nakatigil nang matagal after the presscon proper. Magkaganuman, hindi nagkait ng kanyang oras si Sheryl nang humiling ang PEP ng isang interbyu.

Si Sheryl na ang naunang nagtanong sa PEP. "Ano ba ang itatatanong n'yo sa
akin? Tungkol sa paglipat ko?" nakangiti naman niyang pagpapauna. Halatang nahulaan na niya ang aming tanong tungkol sa paglipat niya mula sa GMA-7 papunta sa ABS-CBN

"Well, I am a freelance artist and like I said, I just represent my right to work for another network. So, gusto ko lang talagang pagbigyan ang both networks at saka kung sino rin ang unang mag-o-offer nang maayos. Nagkataon lang na nauna ang offer ng ABS-CBN for Cindy-rella," paliwanag ni Sheryl, na huling napanood sa soap opera ng GMA-7 na Mga Mata ni Anghelita.

"At saka ako kasi, ayoko ng naaantala yung days ko," patuloy niya. "I took a vacation, I went to the States kasi nga, ikakasal na ang sister-in-law ko. So my daughter and I are part of the entourage. Ilang days kami sa San Francisco, then sa Hawaii. And when I come back, ayoko naman ng nabu-bore ako with doing nothing. Gusto ko kasi, tuluy-tuloy.

"Actually, when I was in the Sates, itinawag sa akin ito [Cindy-rella]. It started actually as a guesting, kay Morning, sa show ni Aga Muhlach [That's My Doc!]. So ako, na-excite naman ako na makalabas naman ako sa Channel 2 at mapapagbigyan ko naman ang mga viewers ng TFC, di ba? So, maganda ring opportunity for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And not only that, ayoko rin kasi na isipin ng mga tao na may exclusivity ako. Wala akong exclusivity or whatsoever, pero I'm thankful. Kumbaga, mabait sa akin ang Channel 7, mabait din naman sa akin ang Channel 2.

"Marunong naman akong tumanaw ng utang ng loob. It's just that, when they offered this role nga [in Cindy-rella], it was lighter. Sunday lang ang palabas niya; at the same time, ma-showcase ko naman ang ibang talents ko. Hindi lang puro drama-drama," mahabang pahayag ng aktres.

Since hindi naman daw siya exclusive talent ng kahit na anong network, Sheryl told PEP na hindi nangangahulugan na porke't may show siya ngayon sa ABS-CBN ay hindi na siya babalik sa GMA-7.

"Yes, they were offering me naman there [Kapuso network]," sabi ni Sheryl. "But since hindi pa naman gawa ang project, mas gugustuhin mo siyempre na lahat finalized na. E, ako naman, hindi naman ako yung taong gagawa for publicity's sake since hindi naman ako publicity hungry. Hindi naman ako ganoon at hindi naman kami ganun klaseng pamilya. I talked naman with the people in the [GMA-7] management and they wished me luck naman."

REST FROM VILLAIN ROLES. Inamin din ni Sheryl na gusto niyang gumawa ng ibang klaseng pagganap bukod sa mga past roles na natatanggap niya, na kadalasan ay drama at kontrabida. Hangga't maaari raw ay ayaw niyang ma-typecast sa kontrabida roles at sa mga character na nananakit ng bata, since isa nga naman din siyang ina.

Kaya para sa kanya, breather daw talaga ang role niya as stepmother of Kim Chiu in Cindy-rella, na bagama't based pa rin sa original story ng Cinderella, may pagka-comic naman ang atake nito sa Love Spell.

Naikuwento rin ni Sheryl na aside from acting, she's excited to continue her singing career.

"Kasi yung gumawa ng kantang ‘Sabi Ko Na Nga Ba', which is si Bernadette Gutierrez, when I was doing Sinasamba Kita, she asked me kung puwede akong kumanta para sa kanyang Tribute to OFW na album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung sa akin, hindi ako puwedeng humindi kasi sabi niya, lucky charm niya raw ako. And ako naman, excited naman ako because, you know, kumakanta pa rin naman ako. So, yung akin, it's different na... Yung dati, it's a novelty already, platinum na siya at hindi ko ikinahihiya. Pero this time, ibang level na, mas matured na siya. Since may anak na ako at may asawa. So, ayoko rin na ma-preempt ‘yon just because nagkaroon ako ng problem regarding with my voice, kasi nakaka-strain talaga.

"To tell you honestly, this past week na galing ako sa States, nai-stress ako. Siyempre, nag-a-adjust ka pa, pero nakakaragdag pa rin yung factor na they are making a big deal out of nothing again.

"Kung maraming taong nagsasabi na wala akong utang na loob dahil tumanggap ako ng trabaho rito [sa ABS-CBN], opinion nila ‘yon. Hindi ako nagagalit sa kanila dahil artista kami. Interesado sila sa buhay namin. Pero tulad nila, alam kong may mga intriga rin sa mga buhay nila.

"Minsan ako, hindi ko na sasabihin sa kanila na tingnan nila ang salamin. Kasi ako, to each his own. Basta wala akong natatapakang tao, I don't take advantage of anybody and it's my personal growth as an actress. Gusto ko naman at my age right now—I'm not getting any younger—I would like to do everything again to the best I can.

"Hindi ako nagmumurang-kamatis or ganyan. I'm not competing with anybody. Ang sa akin, I'm still friends with GMA-7 and the people that are so good and gracious to me as well as here," paliwanag ni Sheryl.

NOT THE FIRST TIME. Ipinaliwanag din ni Sheryl na hindi ito ang unang pagkakataon na tatapak siya sa bakuran ng Kapamilya network.

"It's been a long history actually sa network na ito... I've done drama series, Star Cinema Presents Sheryl. I've done two movies in Star Cinema; one with Bong Revilla which is Adan Ronquillo and the first one I did was Milyonaryong Mini. So, you know...hindi biro yung mga ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've done guestings here. ‘Tapos nun, nagkasama pa kami ni Tita Charo [Santos-Concio] na ninang ko sa kasal sa pelikula namin ni Aga, yung Dolora X. So, who's been saying na wala akong affiliation dito?

"It's nice na yung feeling na parang pinag-aagawan ka. At least, precious ang tingin nila sa akin. Ako rin naman, precious ang tingin ko sa kanila.

"But there are times na, you have to also...to give yourself a chance to work with other network naman or another company, not because wala kang pagmamahal or respetong tinatanaw para sa kabila. It's just that gusto ko namang pagbigyan ang sarili ko. May mga kaibigan rin naman ako rito [sa ABS-CBN] at parang nakaka-miss din naman na makatrabaho ang ibang kasamahan ko sa industriya na hindi mo rin puwedeng makatrabaho sa labas.

"So ako, I'm a freelancer, so why not do this opportunity? Kaya lang, bakit kaya it's a big deal? Now, if they don't trust me at ang tingin ng mga tao ay hindi na ganoon kalakas ang drawing power ko, then to each his own. Basta ang sa akin, my work speaks for itself and the rating speaks for itself.

"I'm not one to brag. Basta ako, kung nakatulong ako, then I'm part of the whole team. Basta ako, ayoko lang talaga na iniintriga ako dahil lang wala silang makita sa work ethics ko or pakikisama ko sa ibang tao. Then, titirahin nila ko sa ibang bagay, like personal naman. So, iwas na lang, iwas-pusoy," nakangiting pahayag ni Sheryl bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN