Miss Mexico wins Miss International 2007; Miss Philippines fails to enter semi-finals

IMAGE 0


Miss International winners: (from left) Miss Greece Despina Vlepaki, 1st runner-up; Miss Mexico Priscila Perales, Miss International; and Miss Belarus Yulia Sindzeyeva, 2nd runner-up.



Si Priscila Perales ng Mexico ang nagwagi sa 47th Miss International Pageant na ginanap sa Tokyo noong nakaraang Lunes, October 15. Tinalo ni Priscila ang more than 60 beautiful candidates from all over the world.

Ang naging runners-up ay sina Miss Greece Despina Vlepaki (1st runner-up) at Miss Belarus Yulia Sindzeyeva (2nd runner up).



Naging semi-finalist sa Miss Universe last year si Priscila, kaya may experience na siya sa ganitong kalalaking beauty pageant. She made history dahil siya ang first Mexican beauty na nanalo ng Miss International.



Sadly, ang representative ng Pilipinas na si Nadia Lee Shami failed to make it even in the Top 15 semi-finalists. Ito ang second year na hindi nakaabante ang representative natin mula nang manalo ang Miss Philippines na si Precious Lara Quigaman noong 2005.



First time naman magpadala ng representative ang bansang Belarus, at kaagad itong nakapasok at naging 2nd runner-up pa.



Ang iba pang nakapasok sa Top 15 ay ang mga candidates mula sa Chile, Czech Republic, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Puerto Rico, Russia, Spain, Turkey, at Venezuela.



Nakakuha naman ng special awards sina Miss Japan Hisako Shirata (Miss Photogenic); Miss Aruba Jonella Oduber (Best In National Costume); at Miss Hong Kong Grace Wong (Miss Friendship).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN