Talent manager threatens to sue "PBB" celebrity housemate Jen da Silva

IMAGE 0


This early, former 26K Girl Jen da Silva seems to be living up to her "Despised Babe" tag. Talent manager Boy Christopher claims that Jen is still under contract with him, yet she did not inform him beforehand that she was joining Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.



Nakatakda yata talagang tumatak kay Jen da Silva ang maging pasaway. Si Jen ay isa sa mga bagong pasok na housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2.

Sa introduction sa kanya nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya, siya raw ay pasaway at laging may nakakabangga, saan man ito magpunta. Katunayan, noong ipinapakilala siya, bago tinawag pangalan, si Jen daw ay marami nang nakabangga sa 26K Girls ng Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino, kaya siya umalis sa grupo. Ang bansag nga kay Jen ay "Despised Babe."

Kasama ni Jen sa loob ng Bahay ni Kuya ang kapwa niya 26K Girl na si Mary Laine Viernes. Sila ang isa sa dalawang pares ng bagong two-in-one rule sa PBB Celebrity Edition.

Ikatlong araw pa lang ni Jennifer sa loob ng bahay, dumating na ang isang intrigang magpapatunay na isa nga siyang pasaway.

Ayon kay Boy Christopher, isang kompositor na nagpasikat ng maraming kanta, gaya ng "Bawal Na Gamot," si Jen ay alaga niya. Miyembro raw si Jen ng Hot Tsikz, isang all-female sexy novelty group na nagkaroon ng pangalan noon, pero madali ring nawala sa sirkulasyon.

Si Jen daw ay si Samantha Silver noong nasa grupo pa siya at may kontratang pinirmahan kay Boy at sa isa pang kasosyo nito. Hindi pa raw tapos ang kontrata ni Jen, kaya nagtataka ang kompositor kung bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya si Jen na sasali pala siya sa Celebrity Edition ng PBB.

"Respeto lang sana, wala namang problema, kung nagsabi siya sa akin, maiintindihan ko siya. Alam ko namang mahirap ang trabaho sa showbiz at magandang break itong nakuha siya bilang housemate. Pero sana, nagpaalam siya. Sana kinausap muna niya ako o yung kasosyo ko para naman walang problema. Hindi po ba kabastusan yung ginawa niya sa akin?" panimulang paglalahad ni Boy sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Boy na nang mag-audition si Jen sa 26K ay pumayag naman siya. Wala nga raw kasing trabaho si Jen, kaya kailangan niyang maghanap muna.

"Pero hindi rin niya iginalang yung napag-usapan namin. Sabi ko sa kanya, ipakausap niya sa akin yung sinasabi niyang direktor na magha-handle sa kanila. Pero hanggang ngayon, heto na naman ang bagong problema, hindi ko pa man lang nakausap yung taong sinasabi niya," hinanakit pa ni Boy.

"Huwag naman sanang isiping sinasabotahe ko yung magandang break na dumarating sa kanya. Ang sa akin lang, makausap ko naman lang siya o yung mga magulang niya. Para naman pormal na malaman ko kung bakit ganyan at ganito. Hindi yung nabigla na lang ako, napanood ko siya sa TV. Aba, nasorpresa talaga ako!"

Sa ngayon daw, kinausap na ni Boy ang kanyang abugado. Binigyan na niya ito ng kopya ng konrata ni Jen sa kanya para mapag-aralan kung ano ang gagawin niyang hakbang.

"Pero sa akin, hangga't maaga, mag-usap kami. Ako, kung makikipag-ayos lang sila, walang problema pero kung patuloy akong mababastos, kailangang kumilos na ako. Ang ibig kong sabihin, malamang na kasuhan ko na siya," pagbabanta ni Boy.

Kay Boy na rin galing ang impormasyong hindi naman si Jen ang unang talent niyang napasok sa Pinoy Big Brother. Si Olyn Membian daw na nakasali sa Teen Edition ng PBB ay talent din niya. Member naman daw si Olyn noon ng Wow Girls, isa pang all-female sexy group na hawak din niya.

"Pero wala akong problema kay Olyn at sa pamilya niya. Pinuntahan nila ako, nagpaalam nang maayos, so walang naging problema sa akin. Bakit ko naman kasi pipigilan kung ‘yon ang inaakala nilang magiging daan ng kanilang tagumpay?" paliwang ni Boy.

Si Jen naman ay kapatid sa ama ng dating young actor na si Dennis da Silva, na gaya ni Jen ay naging pasaway din noong kanyang panahon, kung kaya napariwara ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin sa introduction kay Jen bago siya pumasok sa loob ng Bahay Ni Kuya, nagagawa lang daw nitong maging pasaway upang maprotektahan ang kanyang dalawa pang mga kapatid.

"Mahal ko po sila, ako ang nag-aalaga sa kanila dahil wala na kaming mga magulang na titingin sa amin," ayon pa sa video footage ni Jen bago siya pinapasok sa loob ng Bahay ni Kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN