Superbusy 6cyclemind band says issue with Katrina Halili is closed

IMAGE 0


Naging abala ang 6cyclemind sa paggawa ng kanilang ika-apat na album Fiesta under Sony-BMG. In photo, from left: Tutti Caringal, Rye Sarmiento, Bob Cañamo, Ney Dimaculangan, Darwin Hernandez and Chuck Isidro.


Nagbigay ng pahayag ang mga miyembro ng bandang 6cyclemind kaugnay ng isyung namagitan sa kanila ng aktres na si Katrina Halili.

Nagpapasalamat sila na natapos na ang naturang isyu pagkatapos magsalita ni Katrina na nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan niya at ng banda. Isa raw kasi sa mga kaibigan ni Katrina ang na-misinterpret ang mga actions ng band members habang ginagawa nila ang isang TV commercial noon.

Sabi ng lead singer ng 6cyclemind na si Ney Dimaculangan, "Unang-una, wala namang issue. Nalaman namin huli na. Nalaman nga namin na iba pa yung nagsabi sa amin. 'Oy, bili kayo ng tabloid makikita niyo sarili ninyo. Tapos yun pala, intriga na pala 'yon."

Hindi ba nakasira sa kanila ang naturang isyu with Katrina?

"Hindi naman," sagot ni Ney.

Pero inamin ni Darwin Hernandez, songwriter at road manager ng banda, na may mga ilang gigs sila na naapektuhan dahil sa intriga. May mga tatlo hanggang limang grupo ang nagkansela, karamihan mga exclusive 'schools dahil nag-aalala raw ang mga nanay ng mga estudyante tungkol sa banda.

Pero natuwa si Darwin at unti-unti nang bumabalik ang pagtitiwala ng mga tao sa banda. Ang ilan pa nga sa mga eskuwelahang ito ay muling tumatawag sa kanila para i-request na mag-perform sa kanilang school. Proud din si Darwin sa achievement ng banda dahil kamakailan ay kinuha sila ng ABS-CBN para sa isang campaign ng network na nakatuon sa mga eskuwelahan.

Si Rye Sarmiento naman ay nali-link kay Say Alonzo magmula nang mag-guest ang banda sa Boy & Kris. Nakatambal ni Rye si Say sa isa sa mga episode ng naturang morning show.

Ayon kay Rye, nakakasama lang nila si Say kapag may tugtog ang banda.

"Say is a great friend. Dapat kami album niya," sabi ni Ney.

Dagdag naman ni Rye, "Kami ni Ney, ni Darwin, at ako. Nag-try kami gumawa ng song for her. Kaso mukhang hindi natuloy yung project. Pero sana matuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang maihahandog nilang kanta para kay Katrina?

"'Magsasaya,'" sabi ni Ney habang nakangiti ang ibang mga kasama sa harap ng mga camera.

"Kasi lahat kami we're so happy. Lahat masaya," pahabol ni Tutti Caringal.

Pero bibigyan ba nila ng kopya ng bago nilang album sina Katrina at Say? "Actually, bili na lang sila," tukso ni Tutti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN