Christine Bersola-Babao declines two shows in ABS-CBN

IMAGE 0


TV host Christine Bersola-Babao has just finished her third children's book, titled The Story of Christine, based on her childhood. She also has an upcoming project but she chose to keep it a secret in the meantime.



Isa ang TV personality na si Christine Bersola-Babao sa mga personal na bumati kay Katkat de Castro sa surprise birthday celebration nito last Wednesday, October 17, sa Cosmo Bar along Connecticut, Greenhills, San Juan. Kasama ni Christine ang kanyang mister na si Julius Babao.

Masayang ikinuwento ni Christine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na katatapos lang niyang isulat ang kanyang ikatlong children's book na pinagamatang The Story of Christine. Very sentimental daw ang bago niyang libro dahil ibinase niya ito sa kanyang mismong buhay when she was still a kid.

Ilu-launch ang naturang libro on October 26 sa Bridges Bookstore, Glorietta 3, Makati City. Magkakaroon ng exhibit ng original watercolor paintings ni Sandra Gfeller, na ginamit sa libro ni Christine. Guests will also be serenaded by Johnny Santos's string quartet at ang all-girls chorale from Shepherd of the Hills Orphanage.

Magko-coincide din ang event sa 70th anniversary ng Goodwill Bookstore at ang 37th birthday ni Tintin ilang araw lang pagkatapos ng kanyang book launching.



SURPRISE PROJECT. Excited din si Christine sa isa pang project na gagawin niya. Ayaw pang ipa-reveal ng TV personality ang detalye ng kanyang susunod na proyekto kaya hindi pa namin puwedeng isulat. Pero tuwang-tuwa raw si Christine sa proyektong ito dahil puwede pa niyang isama ang anak nila ni Julius na si Antonia.



Dahil sa project na ito, naurong ang plano ni Tintin na magbuntis this year. Napakalaki raw kasi ng proyektong ito at nangangailangan ng personal niyang pag-aasikaso. Masyado raw kasi siyang magiging abala at tututok sa naturang proyekto.



But since 2008 next year, parang type ni Christine na magsilang ng baby sa buwan ng Agosto at matiyempo on the 8th day. Para umabot sa petsang ‘yan, dapat mabuo na ang baby by December this year para hindi kapusin sa buwan ang kanilang inaabangang baby boy.



STATUS IN ABS-CBN. As for the rumors na pinabayaan na siya ng ABS-CBN, mariin itong itinanggi ni Tintin. In fact, dalawang shows na raw ang inalok sa kanya ng ABS-CBN News and Current Affairs head na si Maria Ressa, pero pareho niyang tinanggihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang unang offer sa kanya is to do the entertainment segment sa TV Patrol World. Tinanggihan ito ni Christine dahil feeling niya, graduate na siya sa mga ganitong klaseng format.

Aside from that, kailangan din ng mahabang oras para gawin ang trabaho. Feeling ni Christine, hindi na niya kakayanin ang mawalan ng oras para kay Antonia.



Ang isa pang offer sa kanya ay maging co-host ni Gabe Mercado sa kanyang programa na Noypi na napapanood tuwing Lunes. Tinanggihan din ito ni Christine dahil identified na ang programa kay Gabe.

Kung magkakaroon nga naman siya ng bagong programa sa ABS-CBN, mas maganda raw na ma-identify yung show sa kanya.



Ipinaliwanag naman kay Christine na noong nag-co-host siya kay Gabe one time sa Noypi ay nagtala agad ito ng mataas na rating na ikinatuwa niya. Kaya naman naisipan ng management na gawin na siyang ka-partner sa show ni Gabe.



Sa ngayon, kahit hindi regular na napapanood si Chrstine sa anumang programang ABS-CBN pagkatapos mawala sa ere ng Magandang Umaga Bayan, hindi raw ito dahilan para maging idle siya. Sinasamantala raw niya ang kanyang oras na magawa ang iba pang mga bagay na matagal na niyang gustong gawin, gaya ng pagsusulat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN