Coco Martin is the most daring member of Studs

IMAGE 0


Without a doubt, Coco Martin is the most daring among the members of the all-male group Studs. Launched in the critically-acclaimed indie film Masahista, Coco did not hesitate to do all the nude and love scenes in the movie.



Hindi lang ang hubad at seksing katawan ng sexy actor na si Coco Martin ang kaya niyang ipagmalaki. Dahil sa pagsali niya sa grupong Studs, papatunayan niya na may iba pa siyang talento.



Dahil sa Studs ay nasabak din si Coco sa sexy calendar ng grupo para sa X-Ray magazine. Hindi nahiyang ilantad ni Coco ang kanyang pinagpagurang katawan, kaya naman hindi siya nagpatalo sa mga kasama niya sa grupo na sina Mike Tan, Dion Ignacio, JC Cuadrado, Lance OƱate, Kevin Santos, Felix Roco, at Edgar Allan Guzman. Sa katunayan, siya nga ang pinaka-daring sa lahat.



Kung tutuusin ay hindi na bago para kay Coco ang maglantad ng kanyang katawan. Sa launching film pa lang niya na Masahista ay nagpakita na siya ng kanyang hubo't hubad na katawan.



"Pero never pa naman akong nag-frontal nudity," nakangiting paglilinaw ni Coco. "Tama na itong hanggang buttocks lang ang ipakita ko. Para naman meron pa silang aabangan sa akin. Hindi maganda yung lahat ipapakita mo kasi mawawalan ka na ng misteryo."



Sa pamamagitan ng bagong manager ni Coco na si Noel Ferrer ay marami raw siyang pinagdaanang workshops sa pagkanta at pagsayaw. Kaya sa launching ng Studs sa November 16 sa Ratsky's Morato ay handang-handa na siyang makipagsabayan sa mga production numbers nila.

Nasa cast din ng Ataul For Rent si Coco, kasama sina Joel Torre at Jaclyn Jose. Rated A ang naturang indie movie ng Cinema Evaluation Board at na-exhibit pa sa Montreal International Film Festival. Dadalhin din ang naturang movie for exhibition sa Cairo International Film Festival sa Egypt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN