Ailyn Luna and ex-boyfriend Ryan Yllana still friends after breakup

IMAGE 0


"It's better namagkaibigan na lang muna kami," says Ailyn Luna (right) about the status of her relationship with ex-boyfriend Ryan Yllana (left).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck 2 Avenger na si Ailyn Luna sa set ng Marimar noong Huwebes, October 18, sa Riverbanks, Marikina. Tinanong kaagad namin sa kanya kung ano ba ang tunay na nangyari sa kanila ng boyfriend niyang si Ryan Yllana.



Ayon kay Ryan ay nagkaroon daw ng malaking tampo sa kanya si Ailyn dahil sa kawalan nito ng oras sa kanilang relasyon. Inamin naman ni Ryan sa panayam sa kanya ng PEP noon na dahil sa sobrang dami ng trabaho niya ay napabayaan niya ang relasyon nila ni Ailyn, pero nais niyang ayusin ito.



Pero mukhang nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa at nang subukan daw kausapin ni Ryan si Ailyn, ang ina mismo ng young actress ang nagbabawal kay Ryan na kausapin ang kanyang anak.



Sa panayam ng PEP kay Ailyn, sinabi nito na totoong nagkaroon sila ng tampuhan ni Ryan dahil nawala na raw ang dating mainit na relasyon nila. In fairness, pareho raw silang naging abala ni Ryan. Busy si Ryan sa showbiz career nito samantalang busy rin si Ailyn sa kanyang pag-aaral.



Kasalukuyang nag-aaral si Ailyn sa La Salle Cavite at sa campus dormitory raw siya nag-i-stay kapag wala siyang work sa GMA-7.



"Nagkausap na po kami ni Ryan at friends na ulit kami," nakangiting pahayag ni Ailyn. "Tanggap na namin na wala na muna kaming relasyon. Pareho po kasi kaming abala sa mga ginagawa namin and it would not be fair kung may isa sa amin na lagi na lang naghihintay ng oras ng isa. It's better na magkaibigan na lang muna kami."



Ayon pa kay Ailyn, open naman daw palagi ang communication nilang dalawa ni Ryan. Kung hindi raw sila nagtatawagan ay hanggang text messages muna sila.

Pinabulaanan din ni Ailyn ang balitang hindi boto ang kanyang ina kay Ryan.



"Hindi naman po ganun. Nagtampo rin kasi si Mommy kay Ryan, pero wala naman silang problema. As a mother, ayaw niyang nakikita akong malungkot. Ngayon, okay na rin sila," lahad ni Ailyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN