Aljur Abrenica taken aback by malicious rumor linking him to TV director

IMAGE 0


"Marami siyang tinutulungan at hindi lang ako, kaya bakit nilalagyan ng malisya? Father and son lang ang relationship namin," insists young actor Aljur Abrenica about rumors linking him to a TV director.



Masasabing kampante si Aljur Abrenica sa showbiz standing niya dahil maituturing na baguhan pa lang naman siya kahit isa siya sa naitanghal na winners sa Batch 4 ng StarStruck. Mayroon siyang tatlong regular exposures sa GMA-7: ang Zaido, Boys Nxt Door, at SOP.



Pero marami ang nakakapansin na may pagka-moody si Aljur at ito ang ibinibira sa kanya.



"Tao lang naman ako, may moods talaga," pag-amin ng young actor nang makaharap niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa live telecast ng SOP kahapon, October 21.



"Pero yun ang lagi nilang inirereklamo sa akin," patuloy niya. "Hindi raw nila matantiya ang moods ko. Pero katulad niyan, tahimik lang ako, ‘tapos gusto ninyong interbyuhin, madali naman akong kausap.



"Noon kasi, marami pa akong dapat malaman sa showbiz. At least ngayon, nakaka-adjust na ako. Nasa pag-a-adjust lang talaga, at sana dahil baguhan pa lang ako, maintindihan ako ng press at ng iba pa dahil wala akong intensiyong makasakit ng ibang tao," tuluy-tuloy na paliwanag ni Aljur.



Natalakan na raw si Aljur ng isang direktor, pero he doesn't take it against the person.



"Aminado naman na ako ang nagkamali," sabi ni Aljur. "Sa akin, wala na 'yon. Kasama sa trabaho ‘yon. Kung dapat na talakan ako, ganoon na lang 'yon, pero dapat na may matutunan ako doon para hindi na maulit.



"Ayoko na talagang matalakan uli, kaya pinagbubuti ko ang trabaho ko. I take those things as a challenge."



PAMPANGA'S BEST. Magkaganoon man, patuloy na sinusuportahan si Aljur ng kanyang fans, lalo na ang mga taga-Pampanga. Hailed as one of Pampanga's best ang young actor na ito.



"Love ko ang fans ko," nakangiting sabi ni Aljur. "At saka sa Pampanga, tuwang-tuwa sila sa akin sa mga nagagawa ko. Kaya lumalakas din ang loob ko, at alam ko na kahit paano, tama pa rin ang ginagawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sino ba sa palagay niya ang gusto ng fans para maka-loveteam niya?



"It's all up to them. Pero sa GMA-7, ang gusto nila pagdating sa kantahan, kami ni Rich Asuncion. Sa aktingan sa youth-oriented programs, para kami ni Kris Bernal ang magka-love team," aniya.


KRIS BERNAL. Speaking of Kris, kinumusta namin kay Aljur ang young actress, since there was a time na inamin ng young actor na niligawan niya ang dalaga noong nasa StarStruck pa sila.



"We're friends," napaka-showbiz na sagot ng bagets. "I mean, okay lang kami ngayon. Hindi sa nagso-showbiz ako, pero mahirap kasi yung sitwasyon. Pareho lang kaming nagsisimula.



"Walang mangyayari sa amin kung pakikipagrelasyon ang iintindihin namin. Nakaka-miss lang yung mga pangyayari noong time na nasa StarStruck pa kami," makahulugang sabi ni Aljur.

BENEFACTOR? Isa pang intriga kay Aljur ay ang tungkol sa isang TV director na diumano'y "nag-aalaga" sa career ng bagets, kaya malakas ito sa GMA-7. Ang tinutukoy na TV director ay ang namamahala ng StarStruck na si Rommel Gacho.



"Ha?" parang nagulat talaga si Aljur sa tanong namin. "Ako? May kinakapitan? Nagtatrabaho lang ako at wala akong iniisip na may kinakapitan ako.



"Si Tatay Rommel... tatay ko 'yon! I mean, ang trato niya sa akin, parang anak na niya. Tatay ang trato namin sa kanya, at hindi lang naman ako ang inaalagaan niya, pati sina Marky [Cielo], Prince [Stefan], at Kris.



"Sa StarStruck pa lang, tinutulungan na niya kami. Marami siyang tinutulungan at hindi lang ako, kaya bakit nilalagyan ng malisya? Father and son lang ang relationship namin," diin ni Aljur bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN