Mylene Dizon wants next boyfriend to be the last man in her life

IMAGE 0


Actress Mylene Dizon, former girlfriend of Paolo Paraiso and now a single mom, hopes to meet someone who will be true and steady. Marraige need not be inevitable but, "sana rin lang, siya na ang magiging huling lalaki sa buhay ko,"



Ang kanyang two-year-old son na si Tomas daw ang tanging iniintindi ng single mom na si Mylene Dizon, kahit may mga balita na kung sinu-sino raw non-showbiz guys ang nakaka-date ng aktres.



Sa taping ng Kokey, kung saan may mahalagang papel si Mylene, natiyempuhan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at nilinaw niya ang sitwasyon nila ng ama ng kanyang anak na si Paolo Paraiso.



"We keep a good relationship. We're still friends, para na rin lang sa anak namin," sabi ni Mylene.



May mga naririnig na ring kesyo inaaligiran nitong si Paolo, pero parang dedma lang ang aktres.



"Wala kasi akong alam talaga kung sino na ang idine-date niya," paliwanag ni Mylene. "Kung mayroon man, wala. Talagang ganoon ang buhay. Hiwalay na rin kami. Ano pa ba ang dapat kong maramdaman?"



Wala pa rin daw boyfriend si Mylene. Zero ang kanyang lovelife. Pero umingay kasi ang usap-usapan kung sinu-sino ang idine-date niya. Noong nakaraang Holy Week ay na-blind item si Mylene na parang siya ang tinutukoy na "nakikipaglampungan" with a foreigner sa Boracay .



"Ha? Parang nawindang naman ako diyan," sabi ni Mylene, parang nagising bigla sa pagbanggit namin ng blind item.



"Teka, Holy Week...ang tagal na, huh! I was in Boracay, pero walang ganoon. Ang kasama ko doon ay ang anak ko, ang mag-inang Bing [Loyzaga] at Alyssa [Gibbs]. Kasi debut ni Alyssa 'yon, and we decided to celebrate it na lang sa Boracay with friends.



"Magagawa ko pa bang makipag-cavort in the beach, e, may inaalagaan akong bata? Lagi lang kaming naka-stay sa loob ng hotel. Hindi ako nagpapagala-gala sa beach para lang makipaglampungan sa kung sinong afam [foreigner]." Natatawang tila natsi-cheap-an si Mylene sa nabanggit naming kuwento sa kanya.



She admits though that she's open to a serious relationship.



"Okay lang kung mayroon, pero hindi ko hinahanap. Hindi rin ganoon kadali 'yon. Ang gusto ko lang, sana yung susunod na relasyon, yun na yun. Naiisip ko kasi, mayroon akong anak, paglaki niyan, ayoko namang isipin niya na kung sinu-sinong lalaki na lang ang nagdaan sa buhay ko. Ayoko nang nagpapapalit-palit ng boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang isa sa sinasabing dahilan ng paghihiwalay nina Mylene at Paolo ay ang mga magulang ng sexy actor. Parang nakadepende lang daw si Paolo sa mga ito, kaya tuloy nadidiktahan na sila na siyang pinakaayaw ni Mylene. Kaya nag-split sila.



"I don't want to elaborate on that, kasi they were never my in-laws in the first place. Hindi naman kami ikinasal ni Paolo. So, talking about 'in-laws' is out of the story here. Okey naman ang parents ni Paolo sa akin. Yun lang ang masasabi ko," pahayag ni Mylene.



Liberated na si Mylene maski noong bata pa siya, at napabalitang nag-live in din sila noon ni Domini Primero, bago pa naging sina Paolo at Mylene.



"Kaya nga, sana yung susunod, siya na talaga. Hindi naman kailangang sa susunod may kasalan na. I mean, okay lang kung may mag-o-offer ng kasal, di ba? Pero kung wala, sana rin lang, siya na ang magiging huling lalaki sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN