Baywalk Bodies confirms sex video of Palmolive Palma and Will Devaughn

IMAGE 0


According to Baywalk Bodies member Rejoice Rivera and the group's manager Lito de Guzman, the reported sex video of Palmolive Palma (left) and PBB celebrity housemate Will Devaughn (right) exists.



Kinumpirma ng Baywalk Bodies member na si Rejoice Rivera at ng manager nilang si Lito de Guzman na meron ngang sex video ang co-member niyang si Palmolive Palma at ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate na si Will Devaughn.

Ayon kay Rejoice, last year pa raw ang naturang video. Ito ay unang nanggaling sa cell phone ni Palmolive. "Pero hindi si Palmolive ang kumukuha, nasa baba siya, e," nangingiting pahayag ni Rejoice.



Napanood daw mismo ni Rejoice ang naturang sex video. Kaya nang muling itanong ng showbiz press na present sa album launching ng Baywalk Bodies, ang The Very Best Of Baywalk Bodies, kahapon, October 24, kung si Will talaga ang nasa video, sagot ni Rejoice: "Oo, si Will ‘yon. Sa amin kasi, natural na yung nagse-share ng naughty stuff. Nakakainggit nga, e!"

Diumano, sa naturang video ay binu-blowjob ni Palmolive ang Fil-Am model na si Will, na ngayon ay nasa loob ng Bahay ni Kuya, kaya hindi ito aware sa diumano'y sex video niya.

Ayon pa kay Rejoice, kasalukuyang nasa Australia si Palmolive at nagsu-show kasama ang ilang miyembro ng Baywalk Bodies.

Samantala, kinumpirma rin ng manager ng Baywalk na si Lito de Guzman ang naturang sex video nina Palmolive at Will. Sinabi ni Lito na nakita na rin niya at ng iba pang mga taga-kampo niya ang video, at lahat sila ay naniniwalang sina Palmolive at Will nga ‘yon.

Kuwento ni Lito, "Nung bagong dating pa lang si Will dito, hindi pa man siya commercial model o nag-aartista, nagkakilala sila't yun na nga, naganap ang lahat. Si Will ang kumuha ng video. Ewan ko kung paano niya na-convince ang alaga ko, pero nangyari na nga ‘yon.

"‘Tapos nawala ni Palmolive yung cell phone niya, nawala sa Subic. Kaya nagulat ako nang makakuha kami ng kopya. Siguro nakita nung nakapulot ng cell phone, nagka-idea, ikinalat hanggang nakarating sa kung sinu-sino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap na rin daw ni Lito si Palmolive tungkol sa naturang sex video nila ni Will.

Ayon sa Baywalk Bodies manager, "Nalaman na niya yung tungkol sa isyu, pero tahimik lang siya. Ayaw na niyang pag-usapan ‘yan dahil matagal na nga. Basta ang alam ko, sa ngayon, tahimik lang siya. May Japanese boyfriend kasi siya't baka makasira ‘yan sa relasyon nila. Kung ako ang tatanungin, mas mabuti rin na manahimik na lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN