Bea Alonzo has found someone to love more than herself

IMAGE 0


"He's very sincere. Alam mo yung isa siya sa meron ako na totoo, nahindi showbiz—sincere. Kapag siya ang kasama ko, I don't have to act in certain ways," says Bea Alonzo about boyfriend Mico Palanca.



Napakaganda at pumayat na si Bea Alonzo nang muling humarap sa entertainment press para sa press conference ng bagong movie nila ni John Lloyd Cruz for Star Cinema, ang One More Chance, kagabi, October 25.

Mas open na rin siya ngayon to talk about her lovelife and admit na she's been going out with Mico Palanca for one year now. Ayon pa nga kay Bea, na-experience na rin niya ang magmahal nang husto.



"Ako po, hindi ko po masasabing na-experience ko na po yung katulad ng nangyari kay Basha at at kay Popoy [mga characters nila ni John Lloyd sa One More Chance], pero nagmahal na rin ako ng isang tao na masasabi kong mas higit pa kesa sa sarili ko. I think, yun naman po talaga ang pagkabuhay, yung magmahal ka sa iba," sabi ni Bea.



Dagdag ni Bea, minsan na rin daw siyang nagbigay ng second chance sa isang tao.



"Nagbigay na po ako ng second chance and I'm happier now," nakangiti niyang pag-amin.



Siyempre pa, dahil sa naging sagot niyang ‘yon, marami rin ang na-curious malaman kung ang present boyfriend ba na si Mico ang kanyang tinutukoy?



"Yes, that was Mico," pagkumpirma niya.



Bakit kinailangan niyang magbigay pa ng second chance?



"Hindi po kami nag-break. Hindi pa po kami no'n... May mga certain problems na meron pala siya. Dapat hindi siya umabot ng three years, but yeah, it took three years para patunayan niya," lahad ni bi Bea.



Yung three years ba na sinasabi ni Bea ay ang tagal ng naging panunuyo sa kanya ni Mico?



"Hindi naman kasi siya yung ligaw-ligaw talaga," paglilinaw niya. " At first, parang old-fashion way. I think he's been...nagde-date rin siya before. Nagpupunta siya sa bahay namin, nandoon yung nanay ko."



NOTHING TO HIDE. Kumusta naman ang relationship nila ngayon?



"Okay naman po. Naka-one year na rin kami nung birthday ko, October 17," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bakit bigla siyang nag-decide na umamin sa relationship nila ni Mico?



"Hindi ko naman po siya itinatago," paglilinaw niya. "Palagi ko namang sinasabi na special naman talaga siya sa akin, ever since. I think lang kasi, there's no point na itago pa dahil alam naman ng mga tao na wala naman talaga kami ni John Lloyd."



Hindi niya masasabing si John Lloyd din ang dahilan dahil very open naman ang young actor sa tunay na lovelife nito.



"Wala naman pong ganoon," sabi ni Bea. "Siguro parang perfect timing lang po talaga ang lahat."

Dagdag pa niya, "Siguro isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakikipagrelasyon. Not only because of the loveteam, kundi dahil sa trabaho ko. Alam kong wala akong time para sa lovelife, at alam kong pag-aawayan lang namin ang oras kapag wala akong maibigay na oras. So, I decided and chose na hindi muna... Parang everything has its own right time."



Ano ang masasabi niyang nakapagpa-in love sa kanya kay Mico?



"Siguro when you're in love, nakita ko sa kanya yung goodness na hindi nakikita ng lahat ng tao. I don't know...minahal ko na lang siya. Lovable siya, e, when you get to know him. And he's very sincere. Alam mo yung isa siya sa meron ako na totoo, na hindi showbiz—sincere. Kapag siya ang kasama ko, I don't have to act in certain ways," paliwanag niya.



PARENTS' NOD. Ayon pa kay Bea, parehong tanggap ng pamilya nila ni Mico ang relasyon nila.



Kuwento pa ng dalaga, first time daw niyang na-meet ang mother ni Mico sa birthday ng lolo ni Mico, ang dating aktor na si Armando Goyena, December last year.



"Everyone was there. Okay naman po ang pagtanggap nila. Noong una, kinakabahan ako kasi fan ako ng Revilla sisters, e. Tapos nakilala ko sila. So, siyempre, na-starstruck pa ako!" natawa niyang pambubuko sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw takot or kaba sa dibdib niya kahit may hindi magandang kinahantungan sa pagsasama ng kapatid ni Mico na si Bernard Palanca sa asawa nitong si Meryll Soriano.



"Hindi naman po porke't nagkamali ang isang tao, ganoon din po ang gagawing pagkakamali ng kapatid niya. Hindi naman po ganoon ‘yon. I trust him [Mico] so much na wala po akong nakikitang signs na puwede niyang gawin sa akin ‘yon. Subukan niya lang!" natatawang niyang banta sa boyfriend.



Kaka-twenty pa lang daw ni Bea kaya hindi pa rin rin daw niya masasabing si Mico na nga ang makakatuluyan niya.



"Wala pa po sa isip ko ‘yan. Ang bata ko pa!" bulalas niya.


LOVE, NOT "IN LOVE". Samantala, inamin naman ni Bea na sa ilang taon na rin naman ng pinagsamahan ni John Lloyd bilang ka-loveteam ay napamahal na sa kanya ang binata.



"Hanggang ngayon naman mahal ko pa rin si John Lloyd. Hindi lang ako in love. Siguro po, hindi lang talaga kami umabot sa point na ganoon," pahayag ni Bea.



Pero sa tinagal ng pagsasama nila, dumating din ba sa point na tipong umasa rin si Bea na magiging sila or liligawan siya ni John Lloyd?



"Gaya ng sinabi ni John Lloyd, it crossed my mind," pag-amin niya. "Sa dami ng nagsasabi ng sana kayo na lang... Yung parang 'Oo nga, ano nga kaya kung kami?' Alam n'yo yung ganoon? Would it be more complicated? Would it be more simple?



"Pero kung iwe-weigh mo ang mga pangyayari, lumalabas na hindi talaga. Mas mabuti na ganyan kami. Parang ang daming sign. I believe in signs. Mas maraming ibinibigay na sign si Lord na ganyan kayo, you're better off as friends."



Magkaganuman, natawa lang si Bea nang tanungin kung ano ang mga signs na ‘yon. Nakiusap na huwag na lang magbigay ng specific signs na ipinakita ni Lord sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghahanda na ang dalawa para sa upcoming movie nila na One More Chance at television soap na Maging Sino Ka Man Book 2. They're also current endorsers of Clear.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN