Angelu de Leon in the aftermath of revealing father of her youngest child

IMAGE 0


Angelu de Leon did not know that her ex-lover Jojo Manlongat (inset, bottom left) and Sunshine Dizon (inset, top left), who is now his girlfriend, have not gone public about their relationship, though they're often seen together. Jojo is the father of Angelu's youngest daughter. Angelu has apologized to Sunshine.


Sa presscon ng Super Inggo 1.5 kahapon, October 25, ay nagsalita si Angelu de Leon kaugnay ng naging posisyon ni Sunshine Dizon na huwag nang mag-comment sa pag-amin ni Angelu na si Jojo Manlongat ang ama ng bunsong anak niya na si Louise. Si Jojo ang nababalitang bagong kasintahan ni Sunshine.



"Good," tugon naman ni Angelu sa pag-iwas ni Sunshine na magbigay ng komento. "Tapos na yung isyu na ‘yon. Kung ayaw niyang patulan, well and good. Wala naman talagang dapat palakihin. Hindi ko naman sinasadya na nasabi ko ‘yon. ‘Tsaka hindi ko naman alam na hindi pa pala sila nagka-come out, na hindi pa ganun ka-open ang relasyon nila."



Hindi raw aware si Angelu sa sitwasyon ng relasyon ni Sunshine kay Jojo. Ang akala niya raw kasi ay umamin na si Sunshine sa relasyon nila ng businessman dahil madalas na rin silang nakikita ng ibang tao na lumalabas.

"Sabi naman niya [Sunshine], walang isyu, e, di walang isyu," pagsang-ayon ni Angelu. "Ayaw naman niyang pag-usapan. But I admit, it was my fault. I'm sorry kasi nasabi ko ‘yon, and I already said my apology on TV."



Paano kung hindi tanggapin ni Sunshine ang apology niya?



"Dedma," sagot ni Angelu. "Makakatulog naman ako sa gabi. If she doesn't want to accept my apology, it's fine. Wala akong magagawa doon. Basta ako, I already said sorry."



Nasaktan daw kasi si Sunshine nang aminin ni Angelu na si Jojo ang tatay ng bunsong anak niya. Ano ang masasabi niya rito?



"Slight, oo, slight. E, hindi ko naman kasi nga alam, e," diin ni Angelu.



Ano naman ang naging reaksiyon ni Jojo? Tinawagan ba siya nito?



"Nag-text siya sa akin. Galit siya. Pero hindi ko na idedetalye yung kumpletong text niya sa akin. Although para sa akin, napaka-selfish ng dating nung message niya," kuwento ng dalagang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi ba dapat si Angelu pa ang magalit dahil hindi diumano sinusportahan ni Jojo ang anak nila?



Sagot ni Angelu, "Hindi, hindi naman. I think konsensiya na lang niya ‘yon. I know where I stand."



Hindi ba siya humihingi ng sustento kay Jojo?



"I think hindi mo naman mapipilit pa. I mean, ayoko na. Kasi responsibilidad niya 'yon, e. It shows kung sino kayo at kung ano ang ginagawa ninyo sa mga kailangan ninyong gawin.



"Basta ang akin lang, kung anuman ang ginagawa niya sa buhay niya, labas ako diyan. Aasikasuhin ko lang ang mga anak ko. I want them to grow up happy and like any normal child," pahayag ni Angelu.



Kinikilala ba ni Jojo na anak niya ang bunso ni Angelu?



"Oo, may mga pictures," sagot ng aktres. "Kung anuman yung sa amin... Basta alam niya kung ano yung nangyari. May isip na siya at alam naman niya kung ano ang totoo."



Aware ba ang dalawang anak niyang babae na magkaiba ang kanilang ama? Ang ama ng panganay na anak ni Angelu na si Nicole ay ang aktor na si Joko Diaz.



"Alam naman nila na magkaiba ang tatay nila. Alam naman nila na may ibang family na at alam din nila kung saan nakatira. I mean, those details sinasabi ko pa rin sa kanila. Kaya wala naman.... I mean, how would you miss someone you haven't seen, you haven't felt, you haven't touched? So, I mean, they're knowledgeable where their dads are. Kung sino sila, ganun lang," tapos ni Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN