Will Aiko Melendez undergo breast reduction?

IMAGE 0


Aiko Melendez denies having gone under the knife for a breast reduction. However, she is open to the idea of getting the procedure in the near future.



Sa pamamagitan ng palitan ng text messages kahapon ng umaga, October 26, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko Melendez kung totoo bang sumailalim siya sa isang breast reduction operation. Napabalita kasi kamakailan na nakita ang actress-politician sa isang clinic para sumailalim ng breast reduction procedure.

"No, kasi ganito ‘yun. I went to see my doctor, si Dr. Samonte, kasi I was considering to have one. Pero nagkaroon na ng initial check-up kung kaya ko."


Pero ayon kay Aiko ay wala pang operasyon na nangyayari. "I'm considering it, I have gone thru some tests already, time ko na lang ang inaayos," text pa sa amin ni Aiko kahapon.


Ang pagpapapayat ni Aiko ay dahil sa Marie France na kung saan isa siya sa mga endorsers.


ON PATRICK MENESES.
Muli na namang nili-link si Aiko kay Patrick Meneses, Bulacan vice-mayor, dahil nakita silang magkasama sa Cebu recently.


"Lagi na lang, kapag may kasama ako, laging sinasabi, kahit hindi si Vice-Mayor Patrick Meneses ang kasama ko, lagi nilang sinasabi, na ‘yun ang kasama ko," wika ni Aiko.


"Kung nakita man ako sa Cebu, totoo na pumunta ako dun, at hindi ko po idinidenay na pumunta ako sa Cebu.


"Pero marami kaming pulitiko na present du'n at that time. If they want, ‘yung mga taong nagdududa at nag-iisip ng kung ano, siguro they can check the manifesto naman sa tiket kung sinu-sino kaming nandun.


"Hindi ko dinidenay na nasa Cebu kami, pero it's an official function," paglilinaw ng actress-politician.


Ang naturang vice-mayor ang inili-link ngayon kay Aiko. Nakilala ni Aiko si Patrick dahil naging kaklase niya ito sa University of the Philippines when Aiko took up a crash course on governance.


Ayon sa kanya, wala talagang namamagitan sa kanila ni Patrick. Magkaibigan or magkabarkada lamang sila, bukod nga sa pareho silang nasa public service since naninilbihan si Aiko ngayon bilang councilor ng District 2 ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa ngayon, ayaw muna ni Aiko na magkaroon ng any romantic involvement kahit na kanino. "Magulo pa kasi ang buhay ko, eh! Slowly, naaayos ko na," sabi niya.


Nang tanungin naman namin si Aiko kung may naramdaman pa siyang tibok ng puso nang magkita sila ng dati niyang asawang si Martin Jickain sa Quezon City Regional Trial Court kahapon para sa chamber hearing nila ng Permanent Protection Order request ni Aiko, ang sagot ng actress-politician, "Wala na, wala na talaga! Wala na akong nararamdaman. Malabo na talaga na magkabalikan kami. Ni kabog o anumang kaba, wala na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN