Yasmien Kurdi laughs bitterly over hearsay that she is pregnant

IMAGE 0


"Ang nakakatawa pa, imposibleng buntis ako that time dahil may menstruation ako. Nahirapan nga po sila to get my urine, they need to separate my urine to my blood," explains Yasmien Kurdi about the rumor that she is pregnant.



Natatawa man si Yasmien Kurdi sa mga tsismis na hindi niya malaman kung saan nagsimula, bakas sa tinig niya ang pagkairita sa mga ganitong klase ng intriga.

Sa phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa young actress, itinanggi niyang buntis siya kaya dinala sa hospital kamakailan.

"Ang intriga po, buntis ako kaya isinugod sa hospital. Pero lilinawin ko lang na si Lupe ang buntis at hindi si Yasmien," panimula ng young atress patungkol sa karakter na ginagampanan niya sa afternoon drama series na Pasan Ko ang Daigdig sa GMA-7.

"Kahit nakaiinis po, tinatawanan ko na lang, ang kasunod pa ng tsika, sino raw ba ang ama, si JC [de Vera]? Ang nakakatawa pa, imposibleng buntis ako that time dahil may menstruation ako. Nahirapan nga po sila to get my urine, they need to separate my urine [from] my blood.

"Siguro nahilo kasi ako one time sa sobrang dami ng trabaho kaya sabi nila, ‘Hala naku, baka buntis ka.' Kung anu-anong isyu na ang lumabas, natatawa na lang ako kung minsan e," saad niya.



ACTIVE SHOWBIZ CAREER.
May mga malisyosong intriga man sa kanya, masaya naman si Yasmien sa takbo ng kanyang career.

"Very thankful po ako kay God sa araw-araw, basta I do my best sa lahat ng ginagawa ko, ine-enjoy ko ang work at hindi masyadong iniisip ang mga hindi magandang bagay para hindi ma-stress sa mga ginagawa, para hindi na ma-hypertension na naman.

"Iniiwasan ko nang magalit at magtago ng damdamin. Before kasi mayroon akong [anemia] dahil sa sobrang puyat, si Direk Joel [Lamangan] kasi, tapos na ang work after twelve ng gabi, kaya sanay ako na maaga ang uwi.

"Kaya hindi ako sanay na napupuyat, nate-tense ako sa continuity. Ayokong magsalita noon, sinasarili ko na lang na tensiyonado ako. Pero masama pala yung hindi inilalabas ang galit, nagkulay violet daw ako and ang bilis tumaas ng BP [blood pressure] ko. Ayoko nang alamin kung ano ang BP ko, basta kinukuhanan ako ng dugo. 'Tapos dinala ako sa St. Lukes nang makita nilang iba na ang kulay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ngayon, sinasabihan nila akong baka ma-Julie Vega raw ako, mamatay dahil sa diet-diet na iyan. Pero hindi nila alam siguro na vegetarian ako kaya hindi ako nagkakakain ng mga pagkain sa set. Hindi lang siguro sila sanay na makakita ng vegetarian. Pero bakit ang mga kalabaw, bakit ‘di sila namamatay kahit hindi kumakain ng meat?

"Kaya dahil napakain ako nang napakain, now, kailangan kong mag-diet talaga dahil bumigat ako ng three pounds!" paliwanag niya.

BELOW THE BELT. May himig ng pagtatampong sinabi pa ni Yasmien na ang isa sa mga bagay na ayaw niya sa showbiz ay ang intrigang below the belt.

"Iyong mga intriga po kasi, minsan dyina-judge ka agad kahit hindi naman totoo, na parang alam na alam nila ang buong buhay ko kahit hindi naman. 'Tapos minsan, dinadamay ang personal stuff mo, dahil lang sa work mo. Parang hindi okay, e, like kunwari yun ngang buntis issue," himutok niya.

Kapag nakaka-encounter siya ng mga ganitong intriga, hindi niya ba naiisip na mag-quit na lang sa showbiz?

"Minsan kasi, hindi mo maiiwasang maisip na ayoko na yata, tao ka lang kasi at nararamdaman mo ang ganoong pressure dahil sa showbiz. Pero minsan talagang nafi-feel ko yung pressure ‘pag sobrang puyat and parang hindi na kaya ng katawan ko, pero pilit pa ring nagtatrabaho.

"Parang gusto kong sabihin na God ayoko na... Pero love ko talaga ang trabaho ko, marami na akong sakripisyong inilaan dito. Yun na lang ang iniisip ko para makalimutan ko yung hindi magagandang part ng showbiz. Ang dami kong tinalikuran para sa pangarap ko kaya kapag yun ang naaalala ko, hindi mo na maiisip na mag-quit.

"Sa StarStruck pa lang, ang dami kong pinagdaanan. Kailangan ko pong mag-aral habang nag-a-audition hanggang sa sumabak na kami sa challenge. Siyempre, nagdyi-dyip lang ako that time. Mahirap yung noon, pero ayoko nang pag-usapan dahil noon pa naman yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNYLYN MERCADO. Ngayong aktibo siya sa recording, pelikula, at tuluy-tuloy ang mga projects niya sa GMA-7, masasabi niya bang naungusan na niya si Jennylyn Mercado, na ngayon na lang uli nabigyan ng programa sa Kapuso Network?

"Naku, hindi po!" nakatawang sagot ni Yasmien. "Mayroon naman siya ngayong La Vendetta and wala naman pong ungusan portion sa amin. Siya pa rin ang Ultimate Female Survivor sa amin, hindi yun mawawala. Friends naman kami at tapos na yung competition sa amin, matagal na po ‘yon, lumipas na.

"Mas matanda si Jen sa akin ng two to three years yata, hindi ko na iniisip ang competition, iba naman ang age namin," pagtatapos ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN