Sexy star Jeni Hernandez gladly announces she's 4-months pregnant

IMAGE 0


Jeni Hernandez is aformer cover girl of FHM (October 2005 issue) and was last seen asArmana in the ABS-CBN fantaserye Rounin. She is now four-months pregnantwith her child with boyfriend Renan Morales.


Umamin na ang sinasabing sexy star nanagdadalang-tao; tinukoy siya ng blind items sa mga pahayagan kamakailan. Ito aysi Jeni Hernandez na huling napanood bilang Armana sa ABS-CBN fantaserye na Rounin.

Buong tapang na lumantad si Jeni na nagdadalang-tao sa anak nila ng boyfriend niyang F3 carracer na si Renan Morales.

Sinabi ni Jeni sa October 28 episode ng TheBuzz, "The baby is normal. Everything is normal. Baby na talaga siya. Fetusna talaga siya. May ulo, may kamay, may mga legs. Nung una ko'ng nakita, parangmommy na talaga! I'm positive, I'mpregnant. I'm very, very happy!"

More than seven months nang boyfriend ni Jenisi Renan, ang ama ng dinadala niyang sanggol sa kanyang sinapupunan. "Nice guynaman, he makes me happy. [He] makes me content with life. When we found out that I'm pregnant, we wereboth happy.

"Before I got pregnant, he talked to my Mom.He asked my Mom if we can get married na. We were planning na talaga to getmarried kaso nga lang nauna talaga yung pagbubuntis ko."

Ano ang reaction ng Mommy niya nu'ng malamanna buntis siya? "Maluha-luha na parang speechless talaga. Siyempre, kung ikaw mom tapos sabihin sa ‘yo ng daughter mo ‘I'm pregnant.' Siyempre you want to behappy. If you're not ready talagang you'll get shocked. But what can we do?"

Nagsabi na rin daw si Renan sa pamilya niyapara sa plano nila na magpakasal. "Yeah," pag-ayon ni Jeni. "He actually talkedto my Mom and for him to do that sobrang marespeto. Sobrang gutsy talaga kasiyou know my Mom? My Mom is ano, sobrang ano, masungit ‘yun. Pero natanggap niyakasi sipsip si Renan. Sobrang sipsip ng boyfriend ko. Mabigay ng regalo,mabola. Binobola niya ang Mom ko."

Nagsalita rin si Jeni tungkol sa kalagayannila ngayon ng dating karelasyon at PBA [Philippine Basketball Association]player na si Eugene Tejada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kasi, siguro hindi lang kami nagkaka.....paratikaming nag-aaway. Parang the love wasn't strong enough for me to stay."

Naging maganda ba ang pakikitungo ng pamilyani Eugene noon? "Sobrang bait ng family niya sa akin. That's why every time Ithink of him 'pag nare-remember ko siya, parang, you know, I feel bad pa rin.Siyempre kahit paano, why did that [have to] happen?

"Sometimes life doesn't make sense, e. I get confused pero, you know, life must goon."

Payag ba si Renan na nag-uusap pa rin sila niEugene ngayon?

"Uhm, siyempre, hindi naman...we don't reallytalk. Uhm, nagme-message sa akin si Eugene and then, update lang. 'Yun nga raw,kung buntis nga raw ako. Tinanaong niya ako, ‘Are you really pregnant?' Sabiko, ‘Yeah, I'm pregnant.' Tapos sabi niya, ‘Are you getting married,' ganunlang. And then, I asked him, ‘Are you ok? Are you walking na ba,' ganu'n lang,very casual," lahad ni Jeni tungkol sa kanyang dating kasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN