International superstar Beyonce stages Manila concert November 7

IMAGE 0

International singer-actress Beyonce Knowles arrived in the Philippinesas part of her world tour for her concert on Wednesday, November 7.



Bandang alas-dos kahapon, November 6, dumating ang international star na si Beyonce Knowles lulan ng Blue Line, isang jet liner na kinumisyon para maging private transport niya sa kanyang world tour.

Maraming media ang nag-abang kay Beyonce sa mismong tarmac na kanyang pagbababaan. Pero walang nakalapit sa kanya dahil may harang ang area ng media ilang talampakan mula sa hagdan ng eroplano. Mahigpit din ang seguridad. Nakakita kami ng ilang pulis at bodyguards na rumuronda noon.

Ilang minuto pa lumabas na ang international sensation.

Halatang pagod si Beyonce na noo'y kagagaling lang sa Shanghai, China, kung saan itinanghal ang kanyang concert dalawang araw bago siya dumating sa Pilipinas.

Simple lang ang hitsura ni Beyonce nang bumaba siya sa jet liner. Naka-maong at long-sleeved shirt lang siya, pero napasin namin ang kanyang mamahaling five-inch heels na suot niya nang bumaba sa eroplano.

Matapos kumaway sa media na naghihintay sa kanya, sumakay agad ang singer-actress sa naghihintay na van sa harap ng eroplano.

Sinundan namin ang entourage niya hanggang Mandarin Hotel sa Makati. Wala raw halos nakakita kay Beyonce dahil ayon sa mga nakasaksi, imbes na sa front door ay sa delivery entrance siya dumaan. Pero nakausap namin ang ilang kasamahang performers ng "bootylicious star."

"We're really very excited to be here in Manila. I'm really excited to play tomorrow. But right now, I'm gonna get some sleep," sabi ng drummer ni Beyonce na si Nikki na halatang pagod na pagod din.

Ayon sa mga insider, dumiretso sa kanyang hotel room at natulog agad. Mukhang naghahanda raw sa kanyang big concert mamayang gabi, November 7.

"We promise around two hours of fun tomorrow. It's going to be really special. All-girl band, lots of dance music. Were making history here. We're really glad to be here in the Philippines," pahayag ni Bibi McGillis, ang production manager ng world tour ni Beyonce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gabi pa lang ng November 5 ay inaayos na ang pagtatanghalan ni Beyonce sa Fort Bonifacio Open Field. Dito rin nag-perform si Mariah Carey noon.

Pinoy technicians ang nagdisenyo at gumawa ng stage. Mamamangha raw ang lahat sa espesyal na LED screen at giant mirror ball na gagamitin sa concert.

Inaayos na rin ng Pulis Taguig ang seguridad para sa concert ni Beyonce. Bandang alas-singko pa lang daw ng hapon ay magpapapasok na sila ng audience para makaiwas sa siksikan. Maraming police personnel din ang naka-assign bukas para maiwasan ang mga sakuna tulad ng stampede.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN