Carlos Agassi aspires to be world-class physical trainer

IMAGE 0


Carlos Agassi ignores rumors that he's a steroid junkie. Instead, he sends this message to his detractors: "Ang labanan naman po sa healthnatin is to live a healthy long life and, most of all, happy."


Isang patunay na mali ang mga balitang hindi maganda ang kalusugan ng aktor na si Carlos Agassi nang dumalo siya sapresscon ng Princess Sarah kahapon, October 8, sa 9501 Restaurant saABS-CBN compound, Quezon City.

Pinabulaanan ni Carlos ang mga usapin na nagte-take diumanosiya ng steroids kung kaya maganda ang kanyang pangangatawan. Gayundin ang balitang kasalukuyan siyang nagda-dialysis dahil sa sobrang paggamit ng steroids.

“Never po akong nag-steroids, never po akongnag-dialysis. I don’t see any reasonfor me to take that kind of substances,” nagulat na sagot ni Carlos.

Dagdag pa niya, “And I don’t see why people think na I takeit. I mean, it’s really hard siguro forsome people na, ‘Wow, yung discipline ni Carlos sa pagkain, sapag-workout.’ Kasi kapag nakita n'yo poakong nakadamit, sasabihin n'yo lang slim. Pero kapag naghubad, parang drawinglang yung katawan.”

SHOWBIZ BREAK. Huling nakita si Carlos Agassi sa fantaserye na Rounin. Matapos nito ay ilang buwan din siyang hindi nakita sa telebisyon at pelikula.

Ayon sa kuwento ni Carlos, sa panandalian niyang pagkawala sashowbiz ay nag-enroll siya sa American Council on Exercise (ACE) para saPhysical Training na kanyang kasalukuyang pinag-aaralan.

“Kapag napasa ko po 'yon next year,sa November [2008], physical trainer na ako all over the world. And kinukuha ko yung ibang credits ko sa [DeLa Salle University], [B.S.] Psychology, and I’m gonna apply in U.P. forNutritionist. And sana everything goeswell, mga one and half, if I graduatenutritionist na ako, Psychology [graduate], and physical trainee.”

Ngunit nilinaw ng aktor nahindi niya ito ginawa dahil sa depression.“May time lang din na, of course, walang project, di ba?” sabi niCarlos. Siyempre, kung gagawa ka na rinlang, yung gusto mo, di ba? So, I justwaited for the right one and it’s a blessing, ito po dumating [PrincessSarah].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang ganda ng role, angganda, I mean, to be part of this project.I’m so excited and nakatrabaho ko ulit si Diether [Ocampo], kagrupo ko sa Hunks; si Albert Martinez na napapanood ko pa noong araw, magaling umarte; sila DirekDon [Cuaresma] at Direk Nuel [Naval]; si Sheryl Cruz. So parang, ‘Wow, angsarap!’”

Isa sa mga dahilan kung bakit napili ni Carlos na mag-aralmuli, ayon sa kanya, ay para maituro sa iba ang kanyang mga napag-aralan.

Paliwanag ni Carlos, “Ako, sabi ko, parang gusto kong magingphysical trainer at the same time nutritionist. Yung nakakatulong ka sa mga taong kailangan bigyan ng time—tulungan sila sa tamang pagkain, tamang pagtulog, proper way of losing weightor gaining weight.

“Yung mga athletes natin, kung gusto nila mag-strength andendurance training, or yung gusto lang magpaganda ng katawan. Gusto ko lang i-share yung knowledge nanai-apply ko sa sarili ko and then, at the same time, just in case I get totour the world sa workshop or to train.

“Kasi kaya ko po ito kinuha para hindi lang nakakulong saisang gym. May personal training ako, Ihave my own gym in the house and I could go to you and teach you, may sariliakong gamit. Talagang the human body is like the universe, marami pa po tayonghindi nadi-discover.”

SHOWBIZ INTRIGUES.Para kay Carlos, hindi na niya masyadong pinapansin ang mga intrigangbinabato sa kanya ngayon. Nag-aalalalamang daw siya sa mga taong malapit sa kanya na nasasaktan sa mga bali-balitatungkol sa kanya.

Ayon kay Carlos, “Yung mga intriga naman po kasi, tayo namanpo kasi very positive person tayo and kung hindi naman talaga totoo, hindi kanaman talaga apektado. Ang nagigingproblema ay yung mga tao na nagmamahal sa 'yo.Siyempre, hindi ka nila nakikita nang matagal, baka akala nila totoo[yung mga intriga].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun lang, naa-affect yung mga matagal nang hindi nanakakakita or yung matagal kong kaklase, kaibigan. But wala pong katotohanan 'yon, alam n'yo naman minsan, baka walalang magawa.”

Muli niyang nilinaw na wala siyang anumang sakitngayon. Patunay ni Carlos, “Sa awa ngDiyos, this year, medyo konting sipon po pero hindi pa rin natuloy. Kumbaga, I really eat well, sleep well. Wala, wala po akong itinatago. Baka ibang Carlos po 'yon. Kung nagkasakitman ako, I would ask for your prayers and help na gumaling ako, hindi ko namanpo itatago o ikahihiya.”

At para sa mga nagbabalita ng masama tungkol sa kalusugan niCarlos, ito ang kanyang iniwang mensahe: “Doon po sa mga nagwi-wish bad saakin, huwag naman po. If you wanna havea nice body, kailangan po talagang paghirapan at magkaroon ng foundationbecause, tandaan niyo, if you take the easy way, easy way din po mawawala sainyo 'yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN