Maja Salvador experiences first reel and real kissing with John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Siguro sa sobrang kaba ko po, bigla akong nagka-period after naming gawin ang scene!" laughs Maja Salvador while narrating her kissing scene with John Lloyd Cruz in One More Chance.



Sa huling presscon para sa latest offering ng Star Cinema, ang One More Chance, humarap na rin sa entertainment press ang iba pang cast ng movie bukod sa dalawang bida na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.



Isa na rito si Maja Salvador who plays a very important role in the film. First time din ni Maja—reel or real—na magkaroon ng kissing scene, at ang masuwerteng "nakauna" sa kanya ay ang young actor na si John Lloyd.

Pero dahil hindi naman si Maja ang maituturing na bida talaga sa pelikula, may mga nagtatanong kay Maja: bakit siya pumayag na sa One More Chance niya gawin ang unang kissing scene niya?



"Si John Lloyd naman po, e," sagot ng young actress. "At saka, kailangan naman po talaga sa character at saka movie naman po. Sobrang laking project pa po."

Okay ba sa kanya na si John Lloyd ang first-ever kissing scene niya?



"Okay lang po sa akin. Kasi ako naman, super-kumportable ko kay John Lloyd. ‘Tsaka ang tagal na naming magkakilala, kaya okay lang sa akin kahit hindi ako ang bida. Sinabi rin naman po nila sa akin ahead na may kissing scene nga raw po. At sinabi rin nila na ‘Nineteen ka na, huwag nang mag-isip ng kung ano-ano.' Tapos, yun pa nga po, si John Lloyd pa nga po kaya okay lang sa akin," lahad ni Maja.



Naitanong din ng PEP (Philippine Enrtertainment Portal) kay Maja kung hindi ba nila naisip ng manager niya na si Chit Ramos na i-reserve na lang ang ganoong eksena sa pelikulang siya na talaga ang bida.



"Naisip din po namin, kaya lang kasi, kailangan talaga sa character," paliwanag ng young actress. "Twenty-two years old na po kasi dito ang character ko. Sobrang ang tanda na talaga sa age ko. Kakaibang Maja, ibang level."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Magkaganunman, inamin ni Maja na hindi niya pa rin maiwasang hindi kabahan at mailang nang gagawin na nila ang kissing scene. Lalo pa nga raw at first shooting day pa lang niya, ‘yon na ang eksenang ipinagawa sa kanya ng direktor ng movie na si Cathy Garcia-Molina.



Kuwento ni Maja, "Noong una, noong hindi pa po namin ginagawa, iniisip ko, naiilang ako. Di ba, sinasabi nila, baka magkaroon ka ng feeling? Ganyan-ganyan. Pero after naman ng kissing scene, yun pala ang sinasabing walang malisya talaga.



"At saka humingi ako ng ibang advice sa ibang friends ko. Like kay Denise Laurel na okay lang ba ‘yon? ‘Tapos sabi niya, yes, wala namang malisya ‘yon, e. Kaya lang po, siguro sa sobrang kaba ko po, bigla akong nagka-period after naming gawin ang scene!" natatawang sabi niya.



MORE DARING MAJA? Nilinaw rin ni Maja na after that, wala namang maaasahan sa kanya na sa mga susunod niyang projects ay mas daring na Maja na ang mapapanood.



"Stop na muna ‘yon," sabi niya. "Kumbaga, kay John Lloyd kasi kaya pumayag ako. Like sa Pangarap na Bituin, nang makita nila na may kissing scene ako sa movie, tinatanong nila kung puwede kaming mag-smack ni Jay-R Siaboc. Sabi ko naman, hindi pa naman po ganoon ang pinagsamahan namin ni Jay-R. Hindi naman sa ayoko, pero hindi naman po kasi movie yung Pangarap na Bituin."

Ano ang meron kay John Lloyd kaya napapayag siyang magpahalik?



"Kumportable ako sa kanya," mabilis na sagot ni Maja. "Sobrang kumportable ako at ang tagal ko na naman siyang kakilala. Kumbaga, halos siya yung nalalapitan ko kung may problema ako. Sobrang close talaga kami. Kumbaga, kuya-kuya ko po siya talaga. Pero nang gawin namin ang movie na ito, pinagbawalan akong tawagin siyang kuya or tatay-tatay.



"At saka, alam ko na siya yung lalaki na puwede kong bigyan ng trust. Na kapag nag-kiss kami, alam kong hindi siya magpi-feeling or hindi ako mababastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko rin po ito tinanggap dahil alam ko po na never akong pinabayaan ng Star Cinema. At saka, ano pong malay natin, after po pala nito, kung anong project naman ang susunod na ibibigay sa akin ng Star Cinema," masayang pahayag ng young actress.

JOHN LLOYD-BEA FAN. Ayon kay Maja, malaking bagay sa kanya ang makasama ang loveteam nina John Lloyd at Bea sa isang pelikula.



"Ako, happy po ako. Sobra! Malaki or maliit na role, gusto kong tanggapin basta John Lloyd-Bea. It Might Be You po kasi, kasama nila ko at sobrang fan nila ko. At saka, wow, dati sobrang supporting lang ako sa It Might Be You, ‘tapos ngayon... So, sobrang happy po akong talaga," excited na pahayag ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN