Diether Ocampo: "Ako po ay single na."

IMAGE 0


For over a year now, the couple have kept the public confused about the real status of the relationship. During the last of week of September, Kristine Hermosa (left) said thather heart still belongs to husband Diether Ocampo (right). A weeklater, she said, "Matagal na kaming walang komunikasyon."So, what's the truth? Last November 8, Diether said it's over.


Once and for all, nilinaw na ni Diether Ocampo ang tunay na status ng relasyon nila ng aktes na si Kristine Hermosa. Ilang buwan din silang nagpaliguy-ligoy tungkol dito. Kahit pa nga noong lumabas ang balitang madalas makitang magkasama sina Kristine at Oyo Sotto, mariing sinabi ng una na magkaibigan lang sila ng anak ni Oyo. Sinegundahan naman ito ni Diet, ang kilalang palayaw ni Diether.

Sa presscon ng Princess Sarah na naganap noon ika-8 ng Nobyembre, diretsahang inamin ni Diether na wala na silang relasyon ni Kristine.

"Oo, confirmed na hindi na kami [Kristine]," malungkot na pahayag ni Diether. "Ako po ay single na. Pero wala akong hinahanap na bagong karelasyon."

Matagal na raw hiwalay ang dalawa. "Kapag ganyang hindi maganda'ng pagtatapos, kinakalimutan ko na. Ang tinatandaan ko yung mga magagandang pangyayari. Ang importante right now, abala kami pareho sa mga ginagawa namin. Pareho kaming maraming proyekto, which is good for both of us."

Ano naman ang masasabi niya sa madalas na pagsama-sama ni Kristine sa anak ni Vic Sotto?

"Ahhh, I have no comment on that coz as far as I'm concerned, I'm not supposed to say anymore. Maigi na yung klaro sa lahat na okey na ako," ang sabi ni Diet.

Sa tingin ba niya makakaapekto ang pag-amin niya at ang paglalantad ni Kristine sa nakabinbin pa rin na nullification case nila sa higher court?

"Ahh, that I don't know. Maybe you should ask her, kasi to begin with, hindi naman ako ang nag-file ng petition," ang mabilis niyang sagot.

One thing is for sure, kung hindi aprubahan ng higher court ang kaso nila ni Kristine ay legal pa rin silang mag-asawa.

"I really don't know. I just hope na aware naman siguro sila sa consequence ng ginagawa nila," ang maikling sabi ng dating Hunks member.

Paano na ang Kids Foundation na pareho nilang pinamumunuan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're still ano...kapag may project na kinakailangan, nandun kami, we update. Like yung huling event ng Kids Foundation sa Greenbelt 5, we received donations for kids. Nandun siya. Probably nagulat ang mga tao na magkasama kami but we we were there para sa foundation," aniya.

Sinasabi ba niya na parang civil na lang sila ni Kristine?

"Well, hindi kami ganun kadalas magkausap. Civil is very casual, e, para sa akin, ha. Like masasabi ko na, kasi may pinagsamahan naman kami kahit papaano...I just hope na ma-realize niya na hindi sa akin. Hindi na lang civil yun. I still respect her. I still support her in everything she will do. Ako naman, alam niya kung ano ang opinion ko sa mga bagay na kung saan siya involved dahil alam niya na mas kilala ko siya and sana ganun din siya sa akin. And I want her to realize na anytime she needs me nandito lang ako," paglilinaw ni Diet.

Did he and Kristine fall out of love?

"Ah, hindi ko nga masasabi kasi hindi naman agad mawawala yun," mabilis niyang tugon.

Pero mahal na mahal mo pa rin siya?

"Well, 'andun lang yun. Hindi ko naman masasabi na it will progress pa further."

Nang tanungin siya tungkol sa opinyon ng ibang tao na mas malaki ang pamamahal niya kay Kristine kumpara sa pagmamahal ng asawa sa kanya, heto ang maikling sagot ni Diet: "Hindi ko masasabi. Kung opinion nila yun, I will respect that."

Nasa moving-on stage na raw si Diether. At nilinaw niya na ang kanilang paghihiwalay ay isang mutual decision. Iniyakan ba nila ang paghihiwalay nila ni Kristine?

"Hindi ko na siguro kailangang idetalye kung ano ang nangyari. Pero tao lang tayo at 'pag nagmahal tayo, masayadong masakit kapag nasaktan ang isa't isa," ang maluha-luhang pahayag ni Diether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN