Bianca King focuses on her career and film-making course

IMAGE 0


In two-and-a-half years, Bianca King's goal is to become a scriptwriter and producer. Why not a film director? The 21-year old actress says excitedly that she likes to have something to say about the concept, the cast, and the budget of a film or television show.


Kahit busy siya sa career dahil sa back-to-back projects niyang Marimar at My Only Love—where she plays Trixie, ang ka-love triangle nina Rhian Ramos at MarkHerras—sa GMA 7, tuloy pa rin ang buhay-estudyante ni Bianca King. Nag-aaral siya ngayon takingup Film-making sa College of St. Benilde.

Kahit dire-diretso angtrabaho niya, Bianca is proud and happy na nasa ikalawang taon na siya sakanyang college course.

"Last year po, nagawa ko siyanang dire-diretso hanggang nag-leave lang ako nung September. Kasi dapatmagsu-shoot kami ng Dagaw sa Camarines, 'tapos biglang nag-re-script sila, soparang tinanggal na yung mga Camarines shoot, eh, na-apply ko na yung leaveko," ang panimula niyang kuwento.

Kaya kapag medyo lumuwag ang kanyang hectic schedule, naninibago raw talaga siya. "Parang nasanay ako, 'tsakakasi gusto ko yung feeling, eh. Parang one day artista ako, tapos the followingday, kailangan kong mag-aral. Parang mas naki-keep ko yung sanity ko kungganun."

Ilang years na lang bago siyamaka-graduate?

"Siguro at the rate I'mgoing, since nag-a-under load ako, maybe two-and-a-half years."

Inusisa siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit film-making ang kinuha niyang kurso, gusto ba niyang maging direktor?

"Producer," ang mabilis niyang sagot. "Gusto kong magingscriptwriter 'tsaka producer."

Ayaw niyang maging direktor?

"Hindi ko po masasabi ngayon,pero parang masyado siyang technical. Parang gusto ko, ako yung gumagawa ngconcept. Gusto ko, ako yung nag-iisip kung sino yung casting na babagay doon, yung gagawa ng budget para sa isang show, pipili ng director, mga ganyan. Gusto ko, ako yungnagmo-monitor sa buong show or movie."

Kahit ang kanyang personal nabuhay ay okay rin dahil Bianca is exclusively dating a non-showbiz guy. Ano na nga ba ang status ng relationship nila? May mutual understanding (MU) na ba sila?

"Ganun na siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bata pa raw siya kaya hindi pa niya kaya ang pumasok sa isang seryosong relasyon. Yung guy naman ay mas matanda raw nang konti, four years ang agwat ng kanilang edad at graduate na ito sa college. "Twenty-five siya, twenty-one ako," ang sabi ni Bianca.

Ayon pa sa young actress, "Kahit medyo bata pa rinsiya, mature na siyang mag-isip. Kasi medyo mature na rinakong mag-isip, eh, 'tsaka bilang babae sobrang independent ko talaga.

"Kaya parang hindi tama na maging seryoso, kasi canyou imagine kung meron akong relationship na sobrang seryoso, siyempre maramingmga bagay na hindi ko na magagawa. Hindi ko naman sinasabing mangingi-alam,parang hindi ako makakapagtrabaho nang maayos. 'Yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN