Allan K witnesses the comic side of former president Joseph Estrada

IMAGE 0


Allan K performed a stand-up act at Joseph Estrada's (inset) reunion with his former cabinet members and other politicians last November 9. The former president cracked a joke about himself that will become another classic "Eraption" among Pinoys.


Pinahalakhak ni Allan K ang dating presidente na si Joseph Estrada, si Sen. Mar Roxas, ilang former cabinet members ng presidente at mga kaibigan, nang mag-perform ang komedyante sa Greenhills abode ng mga Estrada last Friday night, ika-9 ng Nobyembre.

Bale reunion party ang naganap para sa mga dating miyembro ng gabinete ni Estrada, pero hindi na ito nadaluhan ng kanyang dating Social Welfare secretary na si Dulce Saguisag at ng lawyer niyang si Rene Saguisag. Naaksidente ang mag-asawa at binawian ng buhay ang una.


Si Erap ang personal na sumalubong kay Allan nang dumating ito sa kanilang bahay. After nilang mag-usap ni Beaver Lopez, wife ni Jackie Ejercito, pinasimulan na ni Erap ang performance ni Allan.

Talaga namang pinahilera ni Erap ang silya sa harapan ni Allan at nasa gitnang-gitna siya ng grupo. Eh, hindi akma yung CD minus one ng komedyante sa CD player na ginamit, kaya ang keyborad sequencer ang nag-accompany sa kanya. Humataw ito ng "The Lady is a Tramp," isang show tune na sumikat noong 1937 at nagkaroon ng version for Frank Sinatra (1940s), Ella Fitzgerald (1950s) at Shirley Bassey (1960s). Nagustuhan ito ng crowd dahil karamihan sa kanila ay may edad na rin.

After chumika, nag-stand up act na si Allan ng pamoso niyang spoof ng Miss Universe. Hagalpakan sa tawa ang mga bisita ni Erap at gayundin siya, kahit may mga linyang pang-comedy bars lang ang timpla.

Tinapos ni Allan ang kanyang performance sa pamamagitan ng pagkanta ng "Usahay," pero ayaw pa rin siyang pakawalan ng dating action star, kaya humataw uli ang komedyante sa pag-chika sa crowd. Bentang-benta ang pagpapakuwela ni Allan.

Pagkatapos ng show ng All Star K! host, si Erap naman ang pumagitna. Seryoso ang unang salita niya pero no'ng bandang huli, hagalpakan ang lahat!

Aniya, "Last night I had a bad dream. Kinausap ako ng mother ko. Pinagsabihan niya ako. 'Joseph, hindi mo na tinapos ang pag-aaral mo, pati pagka-presidente mo, hindi mo rin tinapos. Pati jail term mo, hindi mo rin tinapos...Kailan ka ba may matatapos?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present din sa reunion sina Sen. Edgardo Angara, Sen. Loi Ejercito, Donald Dee, Sen. Jinggoy Estrada, at iba pa.

Nang tanungin namin si Sen. Jinggoy sa nababalitang pagtakbo niya sa year 2010 bilang bise presidente, ang sagot niya, "Matagal pa 'yon. Ayoko munang magsalita."

Eh, may balita ring tatakbo si Sen. Ramon Revilla bilang vice president ni Mayor Sonny Belmonte. Magkakatapat silang magkaibigan kapag natuloy ang mga plano.

Sa halip na sumagot, matamis na ngiti lang ang isinukli sa amin ni Sen. Jinggoy, although nagsalita si Sen. Bong na hindi siya lalaban kapag si Sen. Jinggoy ang makakabangga.

"Ayokong masira uli ang pagkakaibigan namin ni Sen. Jinggoy," pahayag ng host ng Kap's Amazing Stories.

Komo abala na ang lahat ng bisita sa ballroom dancing at kausap ni Erap si Sen. Angara, agad na nagpaalam si Allan upang dumiretso sa show niya sa Zirkoh-Greenhills.

"Salamat, Sir. Siguro, kung hindi kayo naging presidente, wala kaming stand- up comedians ngayon. Ang galing po ninyong magpatawa!" Napangiti si Erap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN