Iza Calzado feels no insecurity at all about Marian Rivera's success

IMAGE 0


"Panahon ni Marian ngayon. It's her time to shine and I'm shining din naman in a totally different way," says Iza Calzado about co-Kapuso artist Marian Rivera.



Matutuwa at magpapasalamat si Marian Rivera dahil sa pagtatanggol at magagandang sinabi patungkol sa kanya ng co-Kapuso artist niyang si Iza Calzado. Hindi naiwasang mapag-usapan ang star ng Marimar nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa launching niya as the newest image model/endorser ng Manels Shoes and Bags noong November 9 sa SM Megamall.



Sinimulan ng PEP ang pagtatanong kay Iza kung ano ang dating sa kanya na si Marian ang tinatawag na "Drama Princess" at "Primetime Queen" dahil sa success ng Marimar.



"It's okay with me and it doesn't affect me," diretsong pahayag ni Iza. "I've never been a primetime princess or a primetime queen din naman. I've always been an actress. She's Marian, sex symbol and everything ang dating dahil sa Marimar. Ako, iba ang start ko, hindi ako sexy symbol, hindi ako sexy."



Naniniwala ba siyang si Marian ang pet at favorite ng GMA-7 ngayon?



Sagot ni Iza, "Good for GMA if they have the number one show in the country at dahil kay Marian ‘yon. No need sa inggitan, kanya-kanya naman kami ng forte. Besides, I know where I stand and I know what I can do. I don't feel offended at hindi ko style ang mainggit. Kahit noong kasagsagan ni Angel [Locsin] sa GMA, walang narinig sa akin. As long as I have work at binibigyan ako ng project, happy na ako.



"Ang dami kong trabaho para mainggit at magreklamo. In terms of rating, kahit hindi number one ang show ko, may rating pa rin naman. I have my own market. Being number one, I've been there. Encantadia was number one for a long time and I know how it feels to be number one.



"Saka, panahon ni Marian ngayon," patuloy niya. "It's her time to shine and I'm shining din naman in a totally different way. Hindi lang naman one person ang nagsa-shine ngayon, I also believe it's KC's [Concepcion] time to shine. Sabay-sabay na lang kaming magsa-shine, but in different ways para mas masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DESPERADAS. Kahit pareho silang Kapuso talents ni Marian, sa Desperadas ng Regal lang sila nagkatrabaho. Hindi pa rin sila masyadong nakakapag-bonding dahil every Saturday lang ang shooting nila at pare-pareho silang busy ng co-stars nilang sina Rufa Mae Quinto at Ruffa Gutierrez. Hindi masabi ni Iza kung nagbago na si Marian gaya ng mga nasusulat.



"Wala akong masabi sa ugali niya dahil hindi ko siya kilala dati," paglilinaw ni Iza. "Pero okay naman siya ‘pag nasa shooting kami. Nanghingi pa nga siya ng advice dahil magtu-two-piece siya sa Marimar.

"Ang kilala kong Marian, yung kaharap at kausap ko ‘pag shooting namin at okay naman siya. She's a tough lady, baka nami-misinterpret lang. Kaya niya ang intriga, basta ‘andito lang kami to support her."



Natawa si Iza sa isyung pag-aaway raw nina Marian at Rufa Mae dahil kay Billy Crawford—na nagpaplastikan lang ang dalawa ‘pag nagkikita sa set ng kanilang pelikula.



"Naku naman, hindi makikipag-agawan sa lalake si P-chi [palayaw Rufa Mae]. Dumadating na lang sa kanya ang guys. Walang nangyayaring gulo sa aming magkakapatid [sa pelikula]," depensa ni Iza.



INDIE FILM QUEEN. Kung may title na hindi aayawan si Iza, ito ay ang pagiging Indie Film Queen dahil sunud-sunod ang paggawa ng indie films. Ang dalawang pinakahuli ay Mona, showing sa November 30, atang Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan nila ni Ken Zhu ng F4, na showing naman sa December 5.



Sa isang TV interview, sabi ni Ken ay "cool" si Iza. Ano naman ang masasabi ng aktres sa Taiwanese singer-actor?



"Si Ken, mahilig sa food at gusto niya ang Chocnut, pati dried mangoes. Ang tawag namin sa kanya ay Pinoy, dahil para siyang Pinoy. Mabait siya, lalo na sa small workers ng movie at nagustuhan niya dito. Considering na Asian superstar siya, he never looked down on small people. Mabait siya at hindi pagdududahan ‘yon," papuri ni Iza sa kanyang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag niya, "Ken loves to sing and he sings well. Favorite niya ang standard songs, he's like Michael Buble or more of a Harry Connick Jr. Hinarana niya ang lahat sa shooting, hindi lang ako. He'll just break into a song ‘pag feel niya at favorite niya ang 'Desperado' ng Carpenters. He's coming back para sabay kaming mag-promote ng Batanes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN