Mark Herras reveals old rift with StarStruck Avenger Chuck Allie

IMAGE 0


It was only yesterday, November 9, that Mark Herras (left) revealed his old rift with StarStruck 3 Avenger Chuck Allie (right). "Dati kasi, siya mismo ang naglalabas ng statement natinatawagan ko raw siya at naghahanap ako ng girls. Hindi naman totoo 'yon siyempre," explains Mark.



Si Mark Herras ang sumalang sa "Don't Lie To Me" portion ni John "Sweet" Lapus kahapon, November 11, sa Showbiz Central. Kuwela ang resulta ng mga sagot ni Mark—kung kailan ini-expect naming "lie" ang result ay "truth" ito, at sa mga sigurado kaming nagsasabi ng totoo si Mark ay saka naman ito naging "lie."

Isa sa mga lie na naging resulta sa sagot ni Mark ay nagta-topless daw siya sa webcam. Ipinaliwanag ni Mark na never daw niya itong ginagawa and yet, lie pa rin ang lumabas sa lie-detector machine.

Halos gabi-gabi naming kasama si Mark sa Station 168 Internet café sa Tomas Morato kapag wala siyang trabaho. Dito rin nagpupunta ang ibang mga StarStruck boys like Mike Tan, Rainier Castillo, Kirby de Jesus, and Gian Carlos; pati na rin ang mga Star Circle Quest boys na sina Jason Abalos at Charles Christiansen.

Kapag nandito ang mga nabanggit na young male stars, DotA lang ang nilalaro nila at hindi pa namin nakita kahit sino sa kanila ang nanghihiram ng webcam para mag-chat.

Ang ikinagulat namin sa mga rebelasyon ni Mark sa "Don't Lie To Me" ay nagkatampuhan pala sila dati ng StarStruck 3 Avenger na si Chuck Allie.

Nakasalang pa lang si Mark sa Showbiz Central, nag-text na kami sa kanya para tanungin kung ano ang isyu sa kanilang dalawa dahil never naman niya itong naikuwento sa amin, whether on or off the record. Ilang sandali pa pagkatapos ng commercial break, si Mark na ang tumawag sa amin upang linawin ang naturang isyu.

Una, hindi raw niya alam kung dapat pang ikuwento dahil hindi rin naman siya nag-explain kay Sweet nang tinanong siya.

"Dati kasi, siya [Chuck] mismo ang naglalabas ng statement na tinatawagan ko raw siya at naghahanap ako ng girls," pagbubulgar ni Mark. "Hindi naman totoo 'yon siyempre. Ito raw ang ikinukuwento niya sa mga staff at nakarating nga sa akin. Kaya ang ginawa ko, tinawagan ko talaga siya tungkol dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Mark minura niya si Chuck dahil galit siya talaga. Bukod sa hindi raw ito totoo, hindi sila ganoong ka-close para mag-usap sila ng ganun ka-private. Nag-sorry raw sa kanya si Chuck sa phone conversation na ‘yon, subtly admitting his mistake and his lying.

Hindi na ngayon active sa showbiz si Chuck.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN