Cristine Reyes files slander case versus Carlene Aguilar

IMAGE 0


Cristine Reyes (right) filed a slander case this afternoon and detailed everything that happened during the recent confrontation between her and Carlene Aguilar (inset). Ara Mina (left) defended her younger sister Cristine.


Nagsampa na ng kaso ang young actress na si CristineReyes laban sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar ngayong hapon,November 13, sa harap ni Quezon City Assistant Prosecutor Wilfredo Andres.

Pumirma at sumumpa sa kasong grave slander and oral defamationsi Cristine, bunga ng diumano'y panunugod ng dating kasintahan ng aktor na si DennisTrillo.

Ayon sa abogado ni Cristine na si Atty. Dexter Lacuana,"Concerning an apparent confrontation that happened, that transpired, wherecertain words were uttered against the honor of my client. So that is why we have decided to take thisthing to the proper authorities." [sic]

Una nang naibalita saPEP,nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ni Cristine at Carlene noong November 7sa taping ng All Star K.

Ayon naman sa pagdetalye ni Cristine, sinabi niyang masama ang tingin ni Carlene sa kanya at saka siya nilapitan. Hinablot daw ng huli ang braso ni Cristine, pilit nakipagkamayat saka hinawakan ng mahigpit at masakit ang kamay niya. Nang pinalalabas na ng staff ng show siCarlene, ininsulto daw niya si Cristine at isinigaw sa buong kuwarto kung anoraw ang habol sa kanya ni Dennis.

Dagdag pa ng young actress, nagpapadala rin daw ng masasakitna text message kay Cristine bago pa mangyari ang insidente ng panunugod.

Tumangging magsalitasi Cristine sa harap ng camera dahil baka maging masyado siyangemosyonal. Tanging ang ate niya na siAra Mina ang nagbigay ng pahayag ukol sa pagsasampa ng kaso. Aniya, "Hindi naming iniisip na daratingkami sa point na ganito pero siyempre parang pagkatao mo na yung ano, di ba,naapakan. Kailangan nang lumaban."

Bagama't iwas siyang magsalita, nagbigay pa rin ngpasasalamat si Cristine sa suportang ipinakita ng kanyang Ate sa gitna ngkontrobersiya. Pahayag niya, "Alam ni Ate kung gaano kahina ang loob ko sa mga ganyang bagay so ngayon pa langnandiyan na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, muling ipinaliwanag ni Cristine ang kanyangpananahimik. Para sa kanya, "Wala naakong dapat sabihin pa, nasabi na lahat ni attorney, so mabuting quiet nalang. Masakit pa kasi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN