Sunshine Dizon wants to keep her lovelife private

IMAGE 0


"Itong relationship na ito, which I am involved right now, iniingatan koito kaya ayoko yung kung anu-anong lumalabas na isyu na puwedengma-misinterpret," explains Sunshine Dizon about her relationship with boyfriend Jojo Manlongat.



Tila wala na sa mood si Sunshine Dizon nang madatnan ng PEP (Philippine Entrtainment Portal) sa taping ng Magpakailanman sa episode na "Kapit-Puso sa Trahedya" sa Selya Street, Pandacan, Manila kagabi, November 13.



Katatapos lang ng isang heavy dramatic scene niya, and we just found out, maaga pa lang daw ay ratsada na ng taping si Sunshine. But she still obliged to go on with our interview.



"Tapos na ang isyu sa amin ni Polo [Ravales]," pagbabalita ng aktres. "Nag-usap na kami sa taping ng La Vendetta. Palagay ko, misunderstanding lang ang lahat na pinalaki na nang pinalaki.



"Ayoko rin kasing masira ang friendship namin ni Polo dahil yung kanya-kanyang pamilya namin, very close talaga. Para na kaming one big happy family.



"I don't want to elaborate on how our conversation went on. That's too personal. We have an understanding na hindi na magpapadala sa mga sinasabi at nababasa.



"Hindi ko kasi naa-appreciate yung mga sinasabi niyang gusto niya akong balikan, when a lot of people know naman that I'm in a relationship. Ayoko lang ibulgar, basta discreet lang kami, and I want to keep it that way," tuloy-tuloy na pahayag ng aktres.



PRIVATE LOVELIFE. It seems that Sunshine has turned protective, lalo na sa rumored relationship nila ngayon ni Jojo Manlongat.



"Kilala naman ako na I keep things private," sabi ni Sunshine. "Nasa akin 'yon kung gusto kong ibulgar ang mga detalye at mapalaki ang mga isyu. Sa akin mag-uumpisa 'yon, pero hindi ko gagawin.



"Kaya nga itong relationship na ito, which I am involved right now, iniingatan ko ito kaya ayoko yung kung anu-anong lumalabas na isyu na puwedeng ma-misinterpret."

May mga nagsisiwalat na sa identity ng boyfriend niyang si Jojo, nana-link na rin sa kung sinu-sinong artistang babae before. Walang kebersi Sunshine dito.



"Sana respetuhin na langnila ang personal life ko, lalo itong relasyon namin," pakiusap niSunshine. "Ako naman kasi, pagtsismisan nila ang lovelife ko, wa' akocare. Bahala sila. For as long as I'm happy, wala naman akongnasasaktang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kaya dapat, yung mga taongkung anu-ano ang sinasabi tungkol kay Jojo at sa akin, manahimik nalang sila at maging masaya sa amin. Kasi, masaya naman kami, di ba?"

Ano naman ang masasabi ng ina niyang si Dorothy Laforteza tungkol sa ugnayang ito?



"Walasiyang masasabi kung hindi happy siya para sa akin," sagot ni Sunshine."That's one good thing about my mom. Hindi 'yan nakialam sa lovelifeko. Pinababayaan niya ako, at kung magkakamali ako, she lets me realizemy mistakes.



"My mom is not that kind whoreally meddles. Pagsasabihan lang niya ako, pero hindi 'yan makikialam.Malaki ang tiwala niya sa akin, and I never let her down din naman."



Sunshine is now 24 years old, pero hindi pa pumapasok ang isyu ng pagpapakasal sa kukote niya.

"Naku, hindi pa!" sambit niya. "Bata pa ako, marami pa akong puwedenggawin. Sa totoo lang, hindi ko naiisip pa ang tungkol sa pagpapakasaldahil hindi ko pa gusto, kaya tiyak na matatagalan pa 'yan."

NO RIVALRY. Going smooth pa rin ang career ni Sunshine, lalo na't maganda ang rating ng La Vendetta. Iniintriga rin sila nina Jean Garcia at Jennylyn Mercado, at lumilitaw ngayon kung sino ang dehado sa aktingan kung kanino.



"Naku, huwag na yung mga ganyan!" pag-iwas ng aktres. "Hindi namin tinanggap ang series para makipagpatalbugan lang. Kailangang mag-work ang mga eksena namin, at kailangan diyan suportahan, hindi yung magnakawan ng eksena.



"Takot nga kami before, kasi parang hindi basta tatanggapin ang ganitong klase ng series—yung may pagka-suspense-thriller. At least, kampante kami na tanggap ng mga tao ang pagbabago, kaya we will go on with what we have started. And we are getting favorable reviews. Masaya kami, lalo sa ratings."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN