FIRST READ ON PEP: Joross Gamboa breaks up with non-showbiz girlfriend

IMAGE 0


After just a few months of being together, young actor Joross Gamboa and Filipino-Dutch commercial model Carisheila May Kujipers have decided to end their long-distance relationship.



Noong una naming makita ang mga pictures sa nakaraang trip sa Malaysia ni Joross Gamboa, kasama ang magkasintahang sina Derek Ramsey at Angelica Panganiban, walang anumang binabanggit si Joross tungkol sa mga nangyari sa five-day vacation nila bukod sa nag-enjoy sila nang husto. Pero napansin namin na tila wala sa mga pictures nila ang non-showbiz girlfriend ni Joross, si Carisheila May Kujipers, na sa Malaysia nag-aaral at nagtatrabaho bilang commercial model.



Kaya tinanong na namin si Joross kung bakit hindi nila nakasama si Cai (palayaw ng dalaga) sa mga gimmick at pagpasyal nila sa Malaysia. In fairness sa young actor, hindi ito nag-attempt na mag-deny pa kung ano na ang sitwasyon nila ni Cai.



"Wala na, break na kami," pag-amin ni Joross.

Ayon kay Joross, nakasama naman daw nila si Cai sa first few days nila sa Malaysia. Pero dahil busy rin ang dalaga sa pag-aaral at ibang activities doon kaya silang tatlo raw nina Derek at Angelica talaga ang nagka-bonding nang husto.



Kuwento pa ng young actor, hindi pa man daw siya umaalis patungong Malaysia ay medyo may misunderstanding na sila ni Cai, mainly because mahirap daw talagang mag-maintain ng isang long-distance love affair.



Though matagal na raw nilang pinagplanuhang tatlo nina Derek at Angelica ang pag-travel sa ibang bansa—partikular sa Malaysia since isa rin ito sa mga bansang hindi pa nila napupuntahan—nagpunta rin daw siya doon para magkausap sila ni Cai at mabigyan ng closure ang kanilang relasyon.

Sabi ni Joross, mutual decision nila ni Cai ang nangyaring breakup. Aminado siyang pareho silang nahihirapan sa set-up nila habang tumatagal.



Gayunpaman, naging maganda naman daw ang pag-uusap nila. Mismong si Joross pa raw ang nagsabi sa ex-girlfriend na mangako sa kanyang magtatapos siya ng pag-aaral at piliting ma-maintain ang pagiging cum laude nito.



Hindi itinanggi ni Joross na nalungkot siya sa desisyon nila na maghiwalay dahil hindi niya itinatangging minahal nila ang isa't isa. Lalo pa nga raw na sa part niya, stick to one siya talaga basta may karelasyon. Pero alam daw nila na sa ikabubuti nilang pareho ang napag-usapang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon ay gusto muna ni Joross na i-enjoy ang pagiging single and, at the same time, enjoy the company of his friends. Masaya rin daw ang young actor dahil kahit wala pang sinasabi ang ABS-CBN sa kanya na follow-up show pagkatapos ng Natutulog Ba ang Diyos ay hindi naman daw siya pinababayaan ng kanyang mother studio.



Malaking bahagi rin daw ng oras ngayon ni Joross ang iba't ibang basketball tournament na pinupuntahan nila sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Hopefully by next year ay sa iba't ibang bansa naman siya makarating kasama ang iba pang mga artista.

Sa huli, nagpahatid din ng pasasalamat si Joross sa Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa nominasyon niya sa kategoryang Best Single Performance by an Actor sa Star Awards for Television para sa ginawa niyang episode sa Maalaala Mo Kaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN