Cindy Kurleto quits showbiz to live in Peru

IMAGE 0


Eat Bulaga! mainstay Cindy Kurleto will bid showbiz goodbye after deciding to go with her non-showbiz boyfriend to Lima, Peru.



Tuluyan na ngang iiwan ng actress-TV host na si Cindy Kurleto ang showbiz. Kaya naman sa Lunes, November 19, itutuloy ang despedida episode ng model-TV host sa Eat Bulaga! na na-preempt kahapon, November 17, dahil sa kakulangan ng oras.

Sa Lima, Peru, balak manirahan ni Cindy kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Sa Austria ipinanganak ang actress-TV host.

Nakilala sa showbiz si Cindy nang maging boyfriend niya ang aktor na si Jericho Rosales, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. That time kasi, mainit ang tambalan sa TV nina Jericho at Kristine Hermosa.

Dahil protektado ng ABS-CBN ang loveteam nina Jericho at Kristine, nagawang idenay ng aktor ang relasyon niya kay Cindy na madalas din lumabas noon sa mga show ng Kapamilya network.

Nang maging freelancer si Cindy, personal siyang lumapit sa Eat Bulaga! para mag-apply bilang co-host. Kulang kasi ang kinikita niya sa kanyang guestings at special appearances para sa kanyang gastusin sa araw-araw.

Fortunately, nakasama rin si Cindy sa sitcom ni Vic Sotto na Daddy DiDoDu, bukod sa pagiging mainstay ng Eat Bulaga. Naging asset din naman si Cindy sa naturang noontime show, kahit na nga bulol siyang magsalita ng Tagalog, dala ng angkin niyang ganda at kaseksihan.

Hanggang sa nagdesisyon na nga si Cindy na tuluyan nang iwan ang showbiz for greener pasture sa Peru. Pero hindi totoo ang tsismis na buntis si Cindy sa boyfriend niyang foreigner kaya siya aalis ng Pilipinas.

Of course, Cindy will surely be missed lalo na ng mga viewers ng Eat Bulaga! dahil naging aktraksyon na rin siya sa programa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN