FIRST READ ON PEP: Tanya Garcia: "I'll always be here for Mark no matter what happens."

IMAGE 0


"Sabi ko nga noong una, hindi naman namin kailangang mag-explain salahat. Kasi ang daming nag-judge sa akin, ang daming nag-judge kayMark. Pero hindi naman nila alam ang totoong istorya, di ba?" says Tanya Garcia about why she and Mark Lapid chose to keep silent.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Tanya Garcia sa binyag ng anak nila ni Mark Lapid na si Mischa Amidala sa Philippine Stock Exchange Auditorium kagabi, November 18.



Tila hindi nanganak two months ago si Tanya dahil mabilis ang pagbalik sa normal ng kanyang katawan. Maganda at halatang masaya si Tanya sa pagkakaroon ng baby at pagiging isang ina.



"Masarap!" bulalas niya. "Masarap maging mother, medyo mahirap pero masaya. The first time na nakita ko siya [Mischa] at nahawakan, nakakaiyak! Parang hindi ka makapaniwala na mommy ka na. 'Ayan na siya, di ba? Sobrang sarap! At saka, napakabait na bata ni Mischa, hindi siya iyakin."



Bilang magulang, ano ang mga pangarap nila ni Mark para sa kanilang anak?



"Siyempre, gusto namin siyang maging God-fearing na bata katulad namin dahil pareho kaming Katoliko. At saka, mas gusto ko talaga ang Filipino values. Medyo matagal kami sa Amerika at nakita ko ang mga bata doon, iba talaga rito. Yun talaga ang gusto namin. Maging sa education ni Mischa, dito rin. Dito rin lahat," pahayag ng aktres.



Kung si Mark ay sinasabing si Tanya ang kamukha ng anak nila, para kay Tanya ay nakikita niya ang pagkakahawig ng anak kay Mark.



"Seriously, halos lahat talaga ng magsabi, sinasabing kamukha ni Mark na maputi. Pero yung features niya, kamukha po ni Mark," sabi ng aktres.



Kuwento pa ni Tanya, tumaba rin daw siya at umabot ng 129 lbs. ang weight niya. Pero dahil daw siguro sa one-month breastfeeding niya kaya mabilis siyang nag-slim down. Plus the fact na nahirapan din siya sa first few months ng pagbubuntis niya.

Sa first month niya kay Mischa ay nag-breastfeeding siya, pero ngayon daw ay nag-stop muna siya dahil nahihirapan siya.

SHOWBIZ COMEBACK. Pagdating naman sa kanyang career, sinabi ni Tanya na plano niyang bumalik sa showbiz sa isang taon pa. Huling napanood si Tanya sa fantaserye na Super Twins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Babalik ako next year," deklara niya. "Wala namang problema ‘yon kay Mark. At saka masaya po ako kasi mababait pa rin sa akin ang mga Kapuso. Ako, gusto kong humingi ng pasensiya sa kanila kasi ang tagal naming nanahimik. Pero naiintindihan naman po nila. At siyempre, sa Kapamilya rin dahil maganda naman ang pakikitungo nila sa amin. Humihingi lang ako ng pasensiya dahil matagal silang nangulit, pero sana maintindihan n'yo kung bakit."

MARK'S BATTLE. Sa lahat daw ng pinagdadaanan nila ni Mark, all-out ang suportang ipinagkakaloob ni Tanya sa ama ng kanyang anak.



"Oo naman, mahal na mahal ko si Mark and I'll always be here for him no matter what happens," sambit ni Tanya.



Alam at naiintindihan din daw ni Tanya kung ano ang totoong sitwasyon sa paglantad ng Koreana na si Yuri Park at sa anak diumano nila ni Mark.

Sabi ni Tanya, "Alam n'yo, hindi namin puwedeng sabihin ang totoong story. In time, malalaman n'yo rin. Pero sa lahat ng nag-judge sa amin, alam n'yo, hindi n'yo kasi alam ang totoong istorya. In time... Yun nga, katulad ng sinasabi ni Mark, ang hirap magsalita pero darating din ang time na maiintindihan n'yo lahat-lahat.



"Siguro ano... Sabi ko nga noong una, hindi naman namin kailangang mag-explain sa lahat. Kasi ang daming nag-judge sa akin, ang daming nag-judge kay Mark. Pero hindi naman nila alam ang totoong istorya, di ba? Ang hirap, one sided. Hindi ka puwedeng magsalita.

"Basta, darating ang time na magsasalita kami. Basta sa ngayon, happy kami na nandito si Mischa. Nandito ang lahat ng pamilya at kaibigan namin."



Kahit noong hindi pa siya nagbubuntis, bilang parehong public figure ay nagawa nina Tanya at Mark na maging private as much as possible ang relasyon nila. Choice ba nilang talaga lahat ang hindi masyadong magkuwento about their relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Alam n'yo, alam ito ng malalapit kong kaibigan kahit sa press. Kahit sabihin n'yong artista ko, hindi kasi ako ganoon talaga. Mas gusto ko na private talaga. Kaya lang nga, palagi pa rin nilang nire-remind sa akin na, ‘Artista ka, kailangan you have to explain your side also.' Kaya nga ako humihingi ng sorry kasi alam ko na part ‘yon ng career, ng work mo. Talagang ganoon ako, actually kahit si Mark, na mas gusto naming private," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN