Janno Gibbs walks out on "1st SOP Music Video Awards"

IMAGE 0


Janno Gibbs reportedly walked out on SOP yesterday, November 18, after he was not called to join the other hosts in the opening number.



Hinanap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janno Gibbs sa SOP kahapon, pero hindi namin siya nakita.

Hanggang natapos ang "OJ" portion na ginagawa nila ni Ogie Alcasid, no-show pa rin ang singer-comedian. Sina Regine Velasquez at Jaya ang pumalit sa kanya. Nagkamali pa nga si Regine at kumantang nakatakip ang cleavage dahil si MTRCB Chairperson Consoliza Laguardia ang kanilang inalayan ng kanta.



Nalaman ng PEP na kaya walang Janno na napanood kahapon sa SOP, nag-walkout pala siya. Dumating siya sa UP Theater kung saan ginawa ang 1st SOP Music Video Awards, pero late sa sinasabing oras sa kanilang mag-report.



Dahil maraming tao sa backstage, baka hindi raw napansin ng staff ni Direk Louie Ignacio ang pagdating ni Janno kaya hindi siya natawag para sa opening number, kaya hindi siya nakasama. Obviously, sumama ang loob ng singer-comedian at itinuloy na sa pagwu-walkout sa show ang nangyari.



A few months ago, nag-walkout din si Regine sa show dahil mali raw ang lyrics ng song na kinakanta niya sa teleprompter at nahiya siya sa viewers. Ngayon nama'y si Janno. Sino kaya kina Jaya at Ogie ang susunod na magwo-walkout?



Sana lang, gaya ni Regine, ay madaling maalis ang tampo ni Janno at mag-report siya sa SOP next Sunday. Knowing him, idadaan nito sa biro ang nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN