Jenny Miller surprised at being blamed for Carlene-Cristine confrontation

IMAGE 0


Sexy actress Jenny Miller explains her side about the confrontation between her friend Carlene Aguilar (inset) and Cristine Reyes: "Nagulat nga ako kasi ako ang sinisisi ng mga tao sa All Star K, naako raw ang nagsabi kay Carlene na nandoon si Cristine at parangginatungan ko pa raw siya. Hindi naman totoo ‘yon kasi wala akong cluena may issue pala between Carlene and Cristine."



Nagsalita na rin ang kaibigan ni Carlene Aguilar na si Jenny Miller tungkol sa issue na naganap sa Broadway Centrum involving Carlene and Cristine Reyes sa taping ng All Star K! The P1,000,000 Videoke Challenge noong November 7. Si Jenny kasi ang nasisisi kung bakit nagawa raw ni Carlene na kumprontahin si Cristine.

Paliwanag ni Jenny, wala raw siyang kinalaman sa gulo nina Carlene at Cristine. Sa katunayan, pati raw siya ay nagulat sa ginawa ng kanyang kaibigan.

"Nagulat nga ako kasi ako ang sinisisi ng mga tao sa All Star K, na ako raw ang nagsabi kay Carlene na nandoon si Cristine at parang ginatungan ko pa raw siya. Hindi naman totoo ‘yon kasi wala akong clue na may issue pala between Carlene and Cristine. Doon ko lang nalaman noong nagkakagulo na sa loob ng dressing room ng Broadway," paliwanag ni Jenny sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



LONGTIME FRIENDS. Kuwento ni Jenny, noong nasa ABS-CBN pa lang daw siya nang maging magkaibigan sila ni Carlene. Nasaksihan pa nga raw ng sexy actress ang panliligaw noon ni Dennis kay Carlene.



"Very close kami ni Carlene noong nasa kabilang channel pa kaming dalawa," sabi ni Jenny. "Alam ko ang love story nila ni Dennis. More than five years ago na rin ‘yon. In fairness, in love sila noon sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila at bigla na lang naghiwalay.



"Bago nga umalis si Carlene papunta sa Amerika, hindi na kami nakapag-usap. That time kasi, sobrang busy ako sa mga raket noong eleksiyon. Nawalan ako ng communication with her. Hindi ko nga alam na umalis siya at hindi ko rin alam na buntis siya.

"Nalaman ko na lang na pregnant siya noong ibalita sa TV. Siyempre, nagulat ako kasi very active pa siya noon sa modeling ‘tapos bigla siyang nabuntis. Hindi ko rin alam noon na si Dennis pala ang nakabuntis sa kanya," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE INCIDENT. Patuloy ni Jenny, nagkaroon na lang daw sila ulit ng communication ni Carlene noong nakauwi na ang ex-beauty queen sa Pilipinas, kasama ang anak nila ni Dennis na si Calix Andreas.



"Tinawagan niya ako a day before ng taping ko sa All Star K. Nangumusta at nakibalita lang. Ako rin siyempre, gusto ko rin malaman ang mga nangyayari sa kanya kasi ang tagal naming hindi nagkita.

"Niyaya niya akong manood ng concert ni Beyonce Knowles. Siya na raw bahala sa tickets. Sinabi ko na okay lang kung ma-eliminate ako kaagad sa show. So, nag-decide siyang daanan na lang ako sa Broadway Centrum kasi may pasalubong daw siya sa akin," kuwento niya.



Ayon kay Jenny ay dumating daw si Carlene habang nasa rehearsal sila para sa taping ng All Star K at doon na naganap ang kumprontasyon sa pagitan nina Carlene at Cristine.

"Mabilis ang mga pangyayari, e," sabi ni Jenny. "Hindi ko talaga alam na may issue between Carlene and Cristine. Noong mangyari na nga yung may ibinulong daw si Carlene kay Cristine, hinatak ko na si Carlene palabas ng dressing room. Tinanong ko siya kung ano ba ang nangyayari. Sinabi ni Carlene na nagpakilala lang daw siya kay Cristine. Hindi ko rin alam kung ano ang ibinulong niya kay Cristine.

"Ako na ang naghatid kay Carlene palabas ng Broadway. Sinabi ko na masyado nang maraming tao sa loob at magulo na. Magtawagan na lang kami kapag tapos na ako sa taping. Unfortunately, hindi rin kami natuloy sa concert ni Beyonce kasi hindi ako agad natanggal sa show.



"Noong pagpasok ko nga ulit ng Broadway, lahat sila sinisisi ako. Nag-explain naman ako na wala akong alam sa nangyari. Nag-sorry nga ako kay Cristine kasi I had no idea na may problema pala between her and Carlene. Sinabi naman ni Cristine na naiintindihan niya ang
lahat at wala naman daw akong kasalanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DEFENDING A FRIEND. Sa pagkakakilala raw ni Jenny kay Carlene, hindi ito confrontational at hindi palaaway. Never nga raw niyang nakitang nagtaray ito sa ibang babae.



"I've known Carlene for such a long time, pero never ko siyang nakitang ganun, kasi tahimik lang siya at mabait siyang tao. Nagulat nga ako noong may gawin siyang ganun kay Cristine. That was the side of Carlene na hindi ko pa nakikita ever.



"Siguro bilang kaibigan niya, maiintindihan ko siya. Siguro may pinaglalabanan lang siya. Kahit naman siguro ako na nasa situation niya, puwede ko rin gawin ‘yon basta may good reason ako for my actions," depensa ni Jenny sa kaibigan.



Kailan lang daw ay nagkausap ulit sina Jenny at Carlene after magpa-interview ng huli sa The Buzz. Ayon kay Jenny, mukhang okay na raw si Carlene dahil nailabas na nito ang mga gusto nitong sabihin tungkol kina Dennis at Cristine.



"Carlene is doing fine now at mas maganda na ang aura niya. Nakatulong yung sinabi na niya lahat ng saloobin niya. Sinabi ko sa kanya na nandito ako for her bilang isang kaibigan. Kapag may problema siya, she can always call on her friends anytime," pagtatapos ni Jenny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN