Snooky Serna to undergo breast augmentation

IMAGE 0


"Parang ang connotation ko sa babaeng malaki ang boobs, 'yon ang para saakin ay part of what makes a beautiful woman, having a nice pair ofbreasts," says Snooky Serna.



Masaya at satisfied ang aktres na si Snooky Serna sa naging outcome ng kanyang pagpabawas ng braso kay Dr. Manny Calayan ng Calayan Surgicentre. Ipinagmamalaki't pinahawakan pa nga sa amin ni Snooky ang kanyang braso nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University, kung saan ginanap ang 21st Star Awards for TV noong November 18.

Bukod sa pagbabawas ng braso ay inamin din noon ni Snooky na plano rin niyang sumailalim sa breast augmentation. Tuloy pa rin ba ito?

Sabi niya, "Bata pa ako, mga 16 o 17, ganyan... ‘Di ba, nagpaopera ako ng ilong? Parang gusto ko nang isabay noon kaya lang parang nananaig 'yong fear ko kesa desire.



"'Yon pala, ngayon na-realize ko na kapag dumating ka na pala sa age na you don't feel so young anymore, nagkakaroon ka siguro ng midlife crisis. Siguro nagiging vain ka lang. Siguro gusto mo ang mukha mo mas looking younger, mas beautiful. Parang ang connotation ko sa babaeng malaki ang boobs, 'yon ang para sa akin ay part of what makes a beautiful woman, having a nice pair of breasts."



Kinumpirma ni Snooky na ang next project sa kanya ni Dr. Calayan after her successful surgery sa arms ay ang pinakahihintay nitong breast augmentation.

"I had already an examination of blood. ‘Tapos 'yong X-ray tests, ECG... I think nagawa ko na 'ata ang lahat ng requirements for the breast. Kulang na lang 'yong operation.

"So 'yon na lang ang next kong ire-request kay Doc Manny Calayan because I really believe in him. Magaling talaga si Dr. Calayan. Gusto ko talaga magpa-improve tulad ng mga boobsie nating artista," diretsong pahayag ni Snooky.

Inamin ni Snooky na hindi siya satisfied sa size ng kanyang dibdib na 34-B, but if it will be unhealthy para sa kanya na mag-undergo sa gagawing operation, she has to be satisfied with what she has.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balitang ayaw raw ng ina ni Snooky na si Mila Ocampo ang gagawin niyang pagpalaki ng boobs. Paano kaya maku-convince ni Snooky ang ina para payagan siya?



"If she sees the improvement nang husto sa arms ko, and if I'm able to convince her na safe talaga 'yong procedure, makita niya ang tests ko, safe... ‘Tapos, ma-explain talaga sa kanya in full length, kumbaga, in specific talaga 'yong procedure, I'm sure she will say yes to it," kampanteng sagot ng aktres.



Nilinaw naman ni Snooky, ngunit pabiro, na kaya siya nagpapa-enhance ng kanyang katawan ay para balikan siya ulit ng kanyang ex-husband na si Ricardo Cepeda.

"Joke lang 'yon na kaya ako nagpapaganda is because I want to win back Richard," sabi ni Snooky. "Pasensiya na, I don't want to be rude. Hindi naman seryoso 'yon, I'm just making light of things pero hindi totoo 'yon. Although I'm sure, preferred naman ng lahat ng lalaki na well-endowed 'yong babae."



Dagdag niya, "Ang katotohanan talaga, gusto ko lang talagang gawin for my own satisfaction. Kasi ako, personally speaking, naseseksihan ako sa girl na malaki ang boobs."



May posibilidad ba na magkabalikan sila ni Ricardo?



"Hindi na siguro," mabilis na sagot ni Snooky. "Honestly, I don't think so. Although he's telling me naman unattached siya, I don't think he would want to fall in love in a long time. Para kasing happy na siya ng ganito. 'Yong single siya and I can feel na he is more at peace now. Kaya I don't think ide-desire pa niyang bumalik sa dati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN