Angelika dela Cruz's contract signing with GMA-7 postponed

IMAGE 0


"Bago kami pumirma, gusto muna naming maayos ang pagpapaalam niAngelika sa Dos. Natutuwa naman ako at welcome pa rin si Angelika sadating tahanan niya. Kapuso na naman ulit ang anak ko," says Mr. Ernie dela Cruz, Angelika dela Cruz's father and manager, about the return of his daughter to GMA-7.



Hindi pala natutuloy ang pagpirma ng exclusive contract ni Angelika dela Cruz sa GMA-7 kagabi, November 21.

Matatandaang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na nakatakdang pumirma ng two-year exclusive contract si Angelika kagabi sa GMA Network Center. Pero imbes na contract signing ay nag-shoot muna siya para sa plug ng mga bagong shows ng Kapuso network for 2008. Ipalalabas ang naturang plug sa lahat ng sinehan habang ongoing ang 2007 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Kahit wala pang napipirmahang kontrata, kabilang si Angelika sa soap opera na Babangon Ako't Dudurugin Kita na pagsasamahan nila ni Yasmien Kurdi. Remake ito ng 1989 Viva Films movie nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel kasama si Christopher de Leon at idinirek ni Lino Brocka.



Nakausap ng PEP ang ama ni Angelika na si Mr. Ernie dela Cruz kagabi, November 21. Sinabi nito na kaya hindi pa sila nakakapirma sa GMA-7 ay may mga inaayos pa sila sa ABS-CBN para walang nang problema oras na magkapirmahan na sila sa Kapuso network.



"Ongoing pa kasi ang Prinsesa ng Banyera. Pero sa huling pakikipag-usap namin, papatayin na lang ang character ni Angelika sa show," sabi ni Daddy Ernie.



"Wala naman kaming pagtutol doon kasi nga we already made our decision. Wala namang exclusivity si Angelika sa Dos and we feel that going back to GMA-7, mas maraming magagandang mangyayari sa kanya.



"Bago kami pumirma, gusto muna naming maayos ang pagpapaalam ni Angelika sa Dos. Natutuwa naman ako at welcome pa rin si Angelika sa dating tahanan niya. Kapuso na naman ulit ang anak ko," masayang pahayag ng ama ni Angelika.



May mga nagsasabing na-frustrate daw si Angelika sa paglipat niya sa ABS-CBN dahil imbes na magbida siya sa mga teleseryeng kinabilangan niya, naging kontrabida siya. Pero pinabulaanan ni Daddy Ernie ang usap-usapang ito.

Sa katunayan, nagpapasalamat nga raw sila ng kanyang anak sa ABS-CBN dahil kahit kontrabida ang kadalasang napupuntang roles kay Angelika, magaganda naman daw ang mga naging projects nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala kaming masasabing masama laban sa Dos," diin ni Daddy Ernie. "Noong lumipat si Angelika doon, tinanggap nila ang anak ko with open arms. Naging maayos naman ang pakikipagtrabaho ng anak ko sa kanila. Kung ano man ang mga lumalabas na tsismis, e, tsismis lang talaga ‘yon. Basta si Angelika, walang nakabangga na kahit sino sa Dos."



Ayon pa kay Daddy Ernie, dalawang taon nga raw ang kontratang pipirmahan ni Angelika sa GMA-7 at maganda raw ang mga napagkasunduan nilang mga projects.



"Hindi lang kasi sa paglabas sa mga soap dramas, pati ang first love ni Angelika na singing ay magagamit nang husto. Kaya maganda ang pagbabalik ni Angelika sa GMA-7," sabi ni Daddy Ernie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN