Tricia Roman finds happiness outside of showbiz

IMAGE 0


Tricia Roman with her future husband Weston Wade Cruz. The couple will tie the knot on December 15 at the Manila Cathedral.


During her early teens, maituturing na isa sa pinaka-visible na TV commercial model si Tricia Roman, at ang kanyang Del Monte commercial ang masasabing pinakapopular.

Yun nga lang, ayon sa kuwento na rin ni Tricia noong nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop, naging madalang na ang pagkuha sa kanya sa mga TV commercials simula noong pumasok siya sa showbiz.

Aniya, "Some of the advertisers ay mas gusto talagang fresh at hindi showbiz ang mga commercial models nila. Nawawala kasi ang mystery once nag-artista na ang isang modelo."

From the start, Tricia has been a Kapuso star. In fact, ilan sa mga unang TV shows na ginawa niya for GMA-7 ay ang That's Entertainment, Besprens at Click, kung saannaging mainstay siya kahit ilang batch na ang nagpapalit-palit.

Naging ka-loveteam niya sa Click si Joseph Izon na matagal na ring hindi napapanood o walang nababalitaan tungkol sa kanya. Yun nga lang, compared sa ibang loveteam, hindi masyadong nakilala ang tandem nina Tricia at Joseph.

Noong nawala sa ere ang naturang youth-oriented show, naging madalang na lang ang mga TV appearances ni Tricia at guesting sa iba't ibang
shows ng Kapuso network. Although, there was a time na naging semi-regular siya sa SOP, since one of Tricia's best talents is dancing.

Napabilang din si Tricia sa ilang primetime soap opera tulad ng Mulawin at Captain Barbell sa GMA-7. Habang ginagawa naman niya ang huling fantaserye, sinubukan na rin niyang mag-aral at kumuha ng Nursing course. Tricia's last TV appearance was at Deal or No Deal noong suportahan niyang maglaro sa naturang show ang kaibigang si Angel Locsin.

Nang tinanong namin si Tricia kung bakit hindi masyadong umusadang kanyang showbiz career, binanggit niya ang "pagiging mahiyain atpagkakaroon ng baby face." Ang ating kabarkada sa Click ay 27 years old na pero tila wala pa ring pagbabago sa mukha. Puwede pa rin siyang pagkamalang isang teenager. Ito rin daw marahil ang dahilan kung bakit hindi siya mabigyan ng mature roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, kahit na hindi na siya masyadong visible sa showbiz ay masaya si Tricia. In fact, on December 15, she will marry her boyfriend of five years, Weston Wade Cruz. Her fiancé is a non-showbiz CPA at kababata rin niya. Sa Manila Cathedral gaganapin ang wedding ceremony at sa Makati Shangri-La Hotel naman ang reception.

Kung si Weston ang masusunod, mas gusto niyang huwag na lang mag-artista si Tricia since kaya naman niyang suportahan ang kanyang future wife. Pero kung gusto pa rin daw at may opportunity talagang darating kay Tricia sa showbiz, hindi rin naman daw magiging hadlang ang soon-to-be hubby.

Best wishes, Tricia!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN