Jinggoy Estrada surprises wife Precy on her 40th birthday

IMAGE 0


Senator Jinggoy Estrada hosted a surprise birthday dinner for his wife, Precy Ejercito, last November 21 at Cirkulo restaurant along Pasay Road, Makati City.



Isang surprise birthday dinner ang ibinigay ni Senator Jinggoy Estrada para sa kanyang maybahay na si Precy Vitug-Ejercito last Wednesday, November 21, sa Cirkulo restaurant sa Pasay Road, Makati City.

Usually ay may bonggang party si Precy to celebrate her birthday, but this year ay simple lang ang kanyang selebrasyon. But it became extra special dahil sa pagdating ng kanyang father-in-law na si former president Joseph "Erap" Estrada.

According to the birthday girl, medyo nagtatampo na siya that day dahil parang walang naggi-greet sa kanya ng happy birthday. Hindi niya ine-expect na may munting sorpresa pala for her ang kanyang senator-husband that night.

Ayaw magpa-party ni. Precy dahil may big event na silang pinaghahandaan—ang debut party ng panganay nilang si Janella na gaganapin on November 30 at the Harbor Garden Tent of Sofitel Hotel.

Alam ni Precy na pagod na silang lahat sa pag-aasikaso sa big event ni Janella kaya doon na lang din sana siya magse-celebrate next week. Yun pala ay one week nang plinano ni Jinggoy at ng mga anak nila ang surprise dinner na ‘yon for her 40th birthday.

Touched si Precy dahil first time niya raw mag-celebrate ng birthday na kapiling nila ang kanyang father-in-law, na nakauwi na sa house nito in Greenhills, San Juan after he was given a presidential pardon by Pres. Gloria Macapagal-Arroyo last October 25.

One of the closest friends of Jinggoy and Precy, Tirso "Pip" Cruz III served as the host of the party. When asked by Pip to give a short speech, natatawang inamin ni Jinggoy na hindi siya sanay magsalita in front of his father.

Sweet yung sinabi ni Jinggoy na si Precy raw ang kanyang "one and only wife" at alam daw ‘yon ni Precy dahil ito lang ang babaeng inuuwian niya.

"Wala po akong pinagmanahan," kuwelang dayalog ni Jinggoy, na tinawanan ng lahat, pati ni Erap. "Basta ang turo sa akin ni Daddy, number one palagi ang pamilya at huwag na huwag itong pababayaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humihingi rin sana si Pip ng short message from Erap but he politely declined. Hirit nito, "Huwag na, baka bawiin yung pardon!"

Ang lakas ng tawanan sa nakakaaliw na punchline ni Erap. Katabi ng dating pangulo ang maybahay na si Dr. Loi Estrada, na panay rin ang tawa.

Ang ganda nilang pagmasdan noong gabing ‘yon dahil buo na muli ang pamilya Estrada at kitang-kita na ang saya-saya nila.

Of course, present that night ang best friends ni Jinggoy na sina Bong Revilla, Rudy Fernandez, at Philip Salvador.

Bong was with wife Lani Mercado, Rudy was with wife Lorna Tolentino, and Pip was with wife Lyn Ynchausti. Nandun din sina Ricky Davao, Jamie Rivera (na nahilingang kumanta), Bobby Andrews and wife Bienne Co, and Precy's non-showbiz friends.

Before we arrived ay nagkita raw at nagbatian after seven years sina Erap at Bong. It was the first time na nagkaharap muli ang dalawa after mapaalis sa puwesto si Erap in 2000 and Bong sided with GMA's camp.

Nagyakapan ang mag-ninong and Jinggoy couldn't be happier dahil natuldukan na finally ang whatever gap between his dad and his best buddy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN