Eula Valdes laughs off rumor about affair with model-actor Lauren Novero

IMAGE 0


"I guess nalagyan lang ‘yon ng malisya kasi nga wala ang husband korito, and si Lauren lang ang lalakeng nakakasama ko madalas during thattime," explains Eula Valdes about being romantically linked to model-actor Lauren Novero (inset).



Natawa lang ang isa sa stars ng Kamandag na si Eula Valdes nang malaman niya noon na may kumalat na balita na naging ka-affair daw niya ang leading man niya sa stage musical na ZsaZsa Zaturnnah na si Lauren Novero.



Ayon sa kumalat na balita ay ang pakikipagrelasyon diumano ni Eula kay Lauren ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa aktres ang kanyang mister na si Richard Litonjua.



Pinabulaanan at pinagtawanan lang ni Eula ang naturang intriga dahil wala naman daw katotohanan na hiwalay sila ng kanyang asawa na naka-base sa Australia. Lalo raw na wala siyang affair kay Lauren.



Paliwanag ni Eula, "Si Lauren kasi, naging barkada ko ‘yan when we did ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal. Siya kasi ang gumanap na Dodong. Tuwing tapos na ang trabaho namin, lahat naman kami sabay-sabay kumakain at lumalabas. Isang malaking barkada kami talaga.



"I think nabigyan lang ng malisya ng iba ang pagiging close namin ni Lauren. Kasi nga sa grupo namin, si Lauren lang ang hindi bading. Halos lahat sa cast ay mga bading kaya harmless sila sa akin. I guess nalagyan lang ‘yon ng malisya kasi nga wala ang husband ko rito, and si Lauren lang ang lalakeng nakakasama ko madalas during that time," pahayag ng aktres sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Si Eula pa nga raw mismo ang nagparating sa kanyang mister na nali-link siya sa isang katrabaho niya sa entablado. Pinagtawanan lang daw nila ito ni Richard.



"Kasi nga, may trust kami sa isa't isa," sabi ni Eula. "Kahit na nandoon siya sa Australia at nandito ako, still, nandiyan yung tiwala at pagmamahal namin bilang mag-asawa.



"To prove na wala kaming problema, uuwi rito si Richard this December at dito niya gustong mag-Christmas. Sa Australia kasi, summer ang panahon tuwing December. Kaya dito siya ngayong Pasko at buong-buo kaming pamilya," pagbabalita pa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



As for Lauren, wala na raw masyadong communication si Eula sa model- turned-actor.



"Noong matsismis ako sa kanya, medyo umiwas na kami sa isa't isa. Mahirap na kasi baka lalo pang intrigahin kami kapag makita pa kami together. But me and Lauren are good friends. I would definitely work with him again. Huwag lang lagyan ng kakaibang kulay ang working relationship ko with another man," pahayag ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN