Eric Quizon refuses to take sides in Lolit-Piolo-Sam controversy

Nov 24, 2007
Eric Quizon (in photo) says that he would rather not take sides in the controversy surrounding his good friend Lolit Solis and matinee idols Piolo Pascual and Sam Milby.


Minsan nang pinagdududahan ang pagkalalaki ni Eric Quizon at minsan na rin nai-ugnay ang kanyang pangalan sa aktor na si Piolo Pascual ilang taon na ang lumipas.

Sa naganap na press conference ng Bahay Kubo kahapon ng tanghali (November 23), hiningan ng reaksyon ang aktor tungkol sa ginawang pagdemanda nina Piolo at Sam Milby sa TV host/talent manager na si Lolit Solis sa kasong libelo. Ito ay may kaugnayan sa isinulat ng huli sa kanyang October 15 column na inilathala sa Pilipino Star Ngayon. Ayon kay Manay Lolit, nakita nito ang dalawang aktor na "nagbubulungan" sa coffee shop ng Sofitel Hotel noong October 12.

Ani Eric, "Alam mo, sana walang demandahan. I mean, kapag nililimitahan natin ang sarili natin sa industriyang ginagalawan natin na napakaliit, parang lalong liliit ang mundo natin. So sana walang mga ganun."

Umaasa ang aktor na mapag-usapan nang matiwasay at buong-puso ang nasabing problema. "Sana ma-solve nila sa pamamagitan ng 'amicable settlement' or sana di na lang ito dumating sa punto na may mga korte-korte. Sana mapag-usapan nang mas malinaw at mas maganda."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay natanong namin ito kung kanino siya pumapanig. "Wala akong puwedeng panigan kasi maganda ang relasyon ko kay Manay," pahayag ni Eric. "Kumbaga nag-uumpisa pa lang ako ay nandiyan na siyang tumutulong sa amin.

"In the same breath, ay may mga karapatan sina Piolo at Sam Milby at mayroon silang nararamdaman. Kasi hindi naman sila magre-react ng ganyan kung wala silang nararamdaman. Kumbaga respetuhin natin ang both parties. Like in my case, pareho ko silang kasamahan dito sa industriya, wala akong karapatan pumanig doon sa isang tao."

ON DADDY DOLPHY. Nilinaw ni Eric na maayos ang kalusugan ng kanyang tatay na si Dolphy. Sa katunayan, may offer pa nga ang Kapamilya para sa Comedy King. "Hindi na siya nag-renew ng contract sa kanilang sitcom na John En Shirley dahil gusto muna nitong magpahinga," paliwanag ni Eric, taliwas sa mga balitang "poor health" ang rason kung bakit itinigil nito ang pagganap sa nasabing sitcom ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"May offer pa rin sa kanya ang Kapamilya pero my dad said huwag muna. Magpapahinga muna siya kasi early this year medyo mahina siya dahil sa kanyang asthma. Ngayon okey na siya, wala nang nurse sa kanyang tabi at wala na rin 'yong oxygen na naka-attach sa kanya."

Dagdag nito, nagkaroon ng meeting si Dolphy kay Vic Sotto dahil may gagawin pelikula ang dalawa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Quizon (in photo) says that he would rather not take sides in the controversy surrounding his good friend Lolit Solis and matinee idols Piolo Pascual and Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results