Mariel Rodriguez caught saying "Baduy sa GMA"

by Nerisa Almo
Nov 26, 2007
After saying "Kadiri ang showbiz," Pinoy Big Brother guest celebrity housemate Mariel is back with yet another statement that irks some of the program's avid viewers. In a video obtained by PEP (Philippine Entertainment Portal) Mariel says to ex-housemate Maegan, "Baduy sa GMA, aminin na natin. Come on, it's true, di ba?"

Matapos ang “kadiri ang showbiz” na pahayag ni Mariel Rodriguez, isa na namang pahayag ng dalaga sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house ang pinag-uusapan ng mga masugid na manonood ng naturang reality show ng ABS-CBN.

Sa video na nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na kuha noong October 18, 2007, makikita si Mariel na inaayusan ng buhok ang ex-housemate na si Megan Young. Habang nag-aayos, napag-usapan nilang dalawa ang ilang bagay tungkol sa showbiz, partikular na ang tungkol sa kalabang network—ang GMA-7.

Nabuksan ang pag-uusap nang sabihin ni Megan na, “Grabe, sobrang nag-iba ang hitsura ko, yun nga, since nag-start ako. Nung nag-StarStruck ako sobrang payat…”

At biglang sumabat si Mariel ng, “Alam mo, parang better ka na naman now kaysa noong mga days na ’yon.Kasi baduy sa GMA, aminin na natin.Come on it’s true, di ba?”

Matapos nito, tila nabigla si Mariel sa kanyang nasabi, “Sh*t, baka naririnig ako, ito na naman ako.”

Continue reading below ↓

Sa pagkabahala ni Mariel, sinabi naman ni Megan na baka hindi naman daw ipalabas ang kanyang pahayag sa telebisyon.

“Pero malay mo sa 24/7 akala nila wholesome ang mga ginagawa natin, nagpla-plantsa biglang… Ang baduy-baduy,” sagot ni Mariel.

Tinanong din ng Wowowee host kung sino sa tingin ni Maegan ang hindi baduy sa GMA-7 ngunit wala naibigay na pangalan si Maegan.

Samantala, naiba ang kanilang usapan nang sabihin ni Megan na, “Sobrang konti lang ng friends ko dun [GMA-7], e. Kasi parang I tried to keep my circle small kasi ang daming mang-aaway dun [GMA-7].”

Matapos ay biglang sumingit si Mariel ng, “At saka ang daming plastik pala sa showbiz, ’no? I didn’t realize it.” At sinang-ayunan naman ni Megan. “Lalo na sa mga reality shows na ganyan, sa StarStruck,” aniya.

At bago muling mag-iba ang usapan sumagot si Mariel tungkol dito ng, “Oo, siyempre for everyone it’s a game, e, everyone like they’re gonna win, di ba?

Continue reading below ↓

Bago naging Kapamilya star si Mariel ay napanood muna siya sa Extra Challenge ng GMA-7, kung saan for a while ay naging co-host siya ng Paolo Bediones.

Sa ibang balita naman, tulad ng inaasahan, pumasok na ang dalagang aktres na si Angel Locsin sa loob ng Bahay ni Kuya kagabi, November 25. At bilang unang bonding moment, tinuruan ng mga natitirang housemates si Angel kaninang umaga ng kanilang Mambo dance na ginamit nila sa kanilang nakaraang weekly task.

Sa ngayon, hindi pa alam kung hanggang kailan mananatili si Angel sa loob ng bahay. Kung sakali, matagalan kaya niya ang pananatili sa Big Brother house hanggang January 4, ang itinakdang petsa ng Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After saying "Kadiri ang showbiz," Pinoy Big Brother guest celebrity housemate Mariel is back with yet another statement that irks some of the program's avid viewers. In a video obtained by PEP (Philippine Entertainment Portal) Mariel says to ex-housemate Maegan, "Baduy sa GMA, aminin na natin. Come on, it's true, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results