Eric Quizon talks about playing father roles, singlehood, and dad Dolphy

IMAGE 0


"As much as possible, gusto ko magkaroon ng sariling anak and all that.Nothing's keeping me, nothing's holding me. It's just that siguro sacircumstances na nangyayari. Marami akong inaasikaso muna," explains Eric Quizon about why he still has no child of his own at age 40.



Balik sa pag-arte ang aktor na si Eric Quizon pagkatapos magdirek ng sunud-sunod na mga programa sa GMA-7 at gumanap sa Regal Entertainment's entry to the 2007 Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo sa direksiyon ni Joel Lamangan. Nami-miss na rin daw kasi niya ang pagiging artista niya. Isa sa mga naka-inspire kay Eric na bumalik sa pag-arte ay nang mapanood niya muli ang pelikula nila nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Jackie Lou Blanco na Hihintayin Kita Sa Langit na idinirek ni Carlitos Siguion-Reyna.



Bukod sa pelikula, balik-ABS-CBN din si Eric bilang artista sa remake ng Annaliza na ipinalabas noon sa GMA-7. Dapat sana ay simula na ng taping ni Eric ng Annaliza noong Biyernes, November 23, pero ayon sa actor-director ay may inaayos pa sa script ng bagong teleserye ng Kapamilya network.



"Magre-resume kami sa Monday. May Book 1 and 2 rin ang Annaliza. Yung Book 1 nung bata pa siya at yung Book 2, si Maja Salvador. Kasama rin ako sa Book 2 kasi ako ang tatay ni Maja," kuwento ni Eric sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Bahay Kubo last Friday, November 23, sa Imperial Palace Suites.



REEL FATHER. This is the second time para kay Eric na maging tatay ng isang young star sa isang primetime soap opera.



"Nagawa ko na siya before," sabi niya. "The very first time I did father role was nung kay Claudine sa Saan Ka Man Naroroon. During that time, Claudine was mga 18 or 19.



"Actually, nung una, supposed to be bata pa si Claudine kaya okay pa, e. Pero nung naging dalaga na siya, medyo nahirapan akong mag-adjust kasi iniisip ko kung paano ako magkakaanak ng eighteen years old kung thirty lang ako.



"Ang nangyari nun, the way I treated it was medyo light na parang younger sister ko lang si Claudine, pero tatay niya ako. Pero nahirapan talaga ako maka-relate na tatay niya ako doon kasi wala pa talaga akong experience sa pag-aalaga bukod siyempre mga pamangkin. Malaki nga kasi ang pamilya namin," paliwanag ni Eric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



On a personal note, at 40 years old ay wala pa ring anak si Eric in real life. Kilala ng publiko ng mga Quizon na matitinik sa chicks at sagana sa pagkakaron ng mga anak.



"Oo nga," ngiti ni Eric. "Wala pa, e. Although, gustung-gusto ko na siyempre na magkaroon ng anak."



Is it by choice?



"It's not a choice," sagot niya. "I mean, as much as possible gusto ko magkaroon ng sariling anak and all that. Nothing's keeping me, nothing's holding me. It's just that siguro sa circumstances na nangyayari. Marami akong inaasikaso muna. Kumbaga, naiisip ko man ‘yon, of course, iba yung... Well, darating din yun."



Sa pelikula nila ni Maricel na Bahay Kubo, bukod sa anak nila sa movie na si Shaina Magdayao ay nag-ampon din sila ng anim na iba pa. Okay ba kay Eric ang ideya na mag-ampon ng bata?



"Puwede rin, bakit hindi?" aniya. "Kung ibinigay sa akin yung bata, tatanggapin ko. Pero yung para maghahanap pa ako ng aampunin, hindi siguro. Kasi iba yung nandiyan na at ibinibigay sa 'yo yung bata. Hindi ko matatanggihan 'yon o ipamigay ulit. Aampunin ko 'yon kasi it was God- given."



COMEDY KING. Samantala, tinanong din ng PEP si Eric tungkol sa kalagayan ng kanyang ama na si Dolphy. May balita kasi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na ipinagpatuloy sa ere ang John En Shirley—ang sitcom ni Dolphy with Maricel Soriano and Susan Roces sa ABS-CBN—ay dahil sa sobrang mahina na raw ang Comedy King.



"No," paglilinaw niya. "Right now...I must admit na couple of months back, mga early this year, medyo mahina siya. He has a problem sa kanyang respiratory system, because of his asthma. Pero lately, the last six months, ganyan, okay siya. Wala na yung...kasi before may sumusunod na oxygen tank sa kanya. May kasama siyang nurse parati. Now, tinanggal na ‘yon kasi okay na yung kondisyon niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bilang patunay na okay na ang kanyang ama, ikinuwento ni Eric na nakipag-meeting ang Comedy King kay Vic Sotto para sa pelikulang pagsasamahan nila a day before ng presscon ng Bahay Kubo. Habang nagpi-presscon si Eric for Bahay Kubo, may pictorial naman ang komedyante para sa People Asia magazine.



"Kasi he was chosen, like, Asia's Man of the Year, parang ganyan," banggit ni Eric.

"My Dad is eighty years old. I mean, kumbaga, ang dami na rin niyang pinagdaanan. Pero ngayon, I can say na malakas siya. Sinasabi nga namin, parang na-renew ang spirit niya. Siguro ano lang siya...he's a type of person na hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho, e. Gusto niya ganun. Mas nanghihina siya kapag walang ginagawa. Because of that also, nagkaroon siya ng chance na makagawa ng ibang bagay.



"Maraming naka-lineup na pelikula sa kanya na gagawin. So movies muna siya ngayon and at the same time, tinatapos namin yung book niya. Wala pang title, but it's his autobiography."



Natanong din namin si Eric kung may partisipasyon siya sa nalalapit na kasal ng bunso niyang kapatid na lalaki na si Vandolph sa dancer na si Jenny Salimao.



"Wala, bisita," sabay tawa ni Eric. "I'm not part of the entourage kasi alam ni Vandolph na parati akong wala, e. But I'm happy for him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN