StarStruck 4 Avenger Jan Manual starstruck by Manny Pacquiao

IMAGE 0


StarStruck 4 Avenger Jan Manual (left) finally met his idol, boxing champ Manny Pacquio (right), at the latter's live chat on GMA.tv. Jan impersonates Manny in a segment in StarTalk.



Halos hindi makapagsalita ang StarStruck Batch 4 avenger na si Jan Manual nang makaharap niya noong November 27 ang kanyang idolong si Manny Pacquiao sa Live Chat ng GMA.tv.

Si Jan ang nag-introduce sa Pambansang Kamao sa opening segment ng nasabing live chat. Ilang minuto bago dumating si Manny, sobrang kaba na ang dumapo sa StarStruck Avenger.

"Sobrang kinakabahan ako baka kasi ma-offend kasi si Manny kapag ginaya ko siya," sambit ng baguhang artista.

Si Jan ang nag-i-impersonate kay Manny bilang si Pac Manual sa "StruckAttack" segment ng StarTalk tuwing Sabado.

Unti-unting nawala ang tensiyon kay Jan dahil mismong si Manny ang sumisigaw mula sa audience ng "Go, Jan!" para palakasin ang loob niya.

"Kabadong masaya. Gusto kong mag-collapse nung makita ko siya. Akala ko mao-offend pero ang bait-bait niya sa akin," pahayag ni Jan.

Samantala, certified Kapuso na si Manny bilang isang host. Magsisimula na sa December 8, Saturday, ang Pinoy Records, kung saan siya ang main host, kasama ang athlete na si Chris Tiu.

Mala-Guinness Book of Records daw ang format ng show, pero pulos mga Pinoy achievements ang ipapakita nila.

"Masayang-masaya ako dahil ang show na ito ay para sa mga Pinoy at saka mga Pinoy ang bida," sabi ng Pambansang Kamao.

Nabanggit naman ni Manny na malaki raw ang posibilidad na makatunggali niyang muli si Juan Manuel Marquez ng Mexico sa loob ng ring sa March 2008. Excited na raw si Manny dahil tabla ang laban nilang huli.

"Maganda nga para magkaalaman kung sino ang mas pogi sa amin!" pagbibiro ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN