Bobby Andrews discusses ups and downs of being family man

Nov 29, 2007
Bobby Andrews with wife Bien. The two are very visible in showbiz functions and events. "Yung wife ko, mas showbiz sa akin," he says with a laugh.

Kasama si Bobby Andrews sa pang-MMFF entry ng Imus Productions na Resiklo. Hindi maikakaila ni Bobby ang kanyang tuwa dahil so far, hindi naman daw siya nababakante ng projects, mapa-movies or telebisyon man.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat kay Senator Bong Revilla dahil isa raw ito sa nag-kunsidera na isali siya sa cast ng naturang pelikula. Aniya, he’s really proud to be part of the movie.

And among his peers, si Bobby na lang yata ang visible pa rin sa showbiz. “Siguro kasi, yung ibang mga kasama ko, they concentrated in other things. Like si Red Sternberg, sa ibang work siya nag-concentrate. Si Onemig Bondoc naman, sa business niya at si Michael Flores, ang alam ko, may mga ginagawa pa rin naman siyang project dahil alam ko, may show siya ngayon,” ang sagot ng dating member ng defunct youth-oriented show, T.G.I.S.

Pagdating naman sa kanyang marriage, more than seven years na raw silang kasal ng kanyang non-showbiz Chinese wife na si Bienne Co. At ni minsan, never raw siyang nagsisi na pag-aasawa ang naging priority niya over his career.

Continue reading below ↓

“Sa totoo lang, wala akong pinagsisihan. You know, it’s funny…yes, it’s true I’m at the peak of my career before I got married, but what’s funny is that, when I got married, I was able to do roles na siguro, hindi ko magagawa during the time, na tipong matinee idol…I’m just so happy and so proud na napalawak yung range ko as an artist,” ang masayang pahayag ni Bobby.

Alam naman ng natin na nakilala si Bobby during T.G.I.S. days kung saan maituturing na isa sa pinakasikat na loveteam noon ang tandem nila ni Angelu de Leon. In fact, nagkaroon ang dalawa ng napakaraming pelikula under Viva Films.

At present, magkasama raw sila ni Angelu sa Super Inggo. When asked kung hindi ba nagiging isyu or napagseselosan ng asawa niya si Angelu or ibang nakakapareha niya, natawa lang si Bobby.

“Ay hindi, hindi siya nagseselos! In fact, ang nakakatawa nga niyan, yung wife ko, mas showbiz pa kaysa sa akin. Mas marami pa siyang kaibigan sa showbiz kaysa sa akin. Lahat ng mga functions, events, siya na ang hinahanap at hindi ako, which is funny, ‘no? Pero okey lang dahil kahit hindi siya part ng industriya, nagiging kaibigan niya rin ang lahat.

Continue reading below ↓

“Si Angelu, kaibigan niya rin. At saka kaming dalawa naman ni Angelu, mula noon at hanggang ngayon, when we work, ganoon pa rin kaming dalawa.”

Pagdating sa usaping pamilya, hindi itinanggi ni Bobby na dumaan at dumadaan pa rin sila ng asawa sa iba’t ibang pagsubok, especially during the first few years of their relationship. Pero never raw silang dumating sa punto na naisip niyang maghiwalay or magkakahiwalay sila.

Ayon kay Bobby, “It never got to that point. In fact, lahat ng paghihirap namin, at the start of our relationship lang. Pero when we got our children already, wala nang dumating na gusot sa buhay namin na hindi namin nalampasan.

“Siguro nagiging problema naming mag-asawa, as a family na…siguro financial. Pero in terms of my relationship with my wife, never kaming nagka-problema”

Idinagdag pa niyang bukod-tanging ang pag-aartista lang daw talaga ang kanyang bread and butter. His two children, age 7 and 5 years old, are going to school—his eldest in La-Salle and the youngest at Immaculate Conception Academy (ICA).

Continue reading below ↓

“Siyempre, hindi maiiwasan…Lahat naman, dumadaan sa nagkakaroon ng problema sa financial. Lalo na sa industriya natin, hindi naman consistent. Minsan magtitiis ka, minsan naman, gagastos ka, minsan sagana ng konti.

“My wife naman, she’s a full-time housewife. Before kasi, she’s into dressed chicken [business]. Nagsu-supply siya ng mga dressed chicken sa mga restaurant. Pero tinigil na rin namin yun kasi mahirap, since it’s very time consuming. Yung trade-off na nga lang na hindi siya nagwo-work, nababantayan niyang mabuti yung dalawang bata. Tutok siyang palagi, especially my daughter na nagsa-Chinese, so, siya ang nagtu-tutor,” ang huling tinuran ng aktor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bobby Andrews with wife Bien. The two are very visible in showbiz functions and events. "Yung wife ko, mas showbiz sa akin," he says with a laugh.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results