Bea Alonzo hurt by blind item claiming she's a disrespectful daughter

IMAGE 0


Bea Alonzo feels blessed that things are more than okay in almost every aspect—career, lovelife, family. "Isa na itong pinakamasayang part" is how she describes this phase of her young life.


Sa nakaraang presscon ng Maging Sino Man Book 2 noong November 27 sa Plaza Ibarra, Timog, Quezon City, naging emosyonal si Bea Alonzo nang mapag-usapan ang tungkol sa blind item na lumabas kamakailan. Tungkol ito sa isang young actress na pa-sweet ang image pero grabe raw kung sigaw-sigawan ang kanyang ina porke't siya ang breadwinner sa kanilang pamilya. Hindi man binanggit ang pangalan, very obvious sa nasabing blind item na si Bea ang tinutukoy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, inamin ni Bea na noong nakarating sa kanya ito, sobra ang sakit na idinulot nito sa kanya lalo pa't wala itong katotohanan.

"Before I came in this presscon, narinig ang tungkol sa blind item na ‘yan. Ang sakit nun...ang sakit marinig kasi kahit mamatay man ako ngayon, kaharap ko ang Diyos, never kong sinagot ang Nanay ko. I think yun ang pinakahuli kong gagawin sa buhay ko at never kong gagawin," ang bulalas ng isa sa pinakamaningning na bituin sa Kapamilya network.

Dagdag pa niya, "Sa buhay ko, siya yung taong pinakamamahal ko, more than my brother, more than Mico o kahit sa lahat pa. Di ko gagawin yun sa kanya."

Open book na nagkaroon si Bea at ang kanyang ina ng samaan ng loob before, pero naayos na kung anuman ang ‘di nila pinagkasunduan. Mas maganda na nga ang relasyon nila ngayon bilang mag-ina.

Ani Bea, "We're okey. We go to the salon together, nagluluto kami, nagsya-shopping. As I always say, isa na ito sa pinakamasayang part ng buhay where everything is okey. Maganda ang tinatakbo ng career ko, okey kami ng family ko, masaya din yung lovelife ko."

Speaking of lovelife, aminado rin ang Star Magic talent na "everything runs smoothly" sa kanila ng boyfriend na si Mico Palanca. Compromise is the word, kaya sa kabila ng sobrang hectic niyang sked ay maayos pa rin ang tinatakbo ng relasyon nila ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey kami, we're happy, ganun pa rin kami. I think we're stronger now, kasabay ng paggo-grow ko ay ang paggo-grow din ng relationship namin. It's something na sobrang mahalaga sa akin.

"For Mico, I find time for him. Kahit umaga ako matatapos from taping or shooting, maaga pa rin ako gigising just to have breakfast with him or to have lunch with hum. Sabi nga, you have to compromise."

Marami ang nagsasabi na sa takbo ng career ni Bea ngayon ay siya ang nakikitang susunod sa yapak nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa bakuran ng ABS-CBN. Aminadong flattered si Bea sa obserbasyon na ito ng ibang tao but she still wants to have her own identity.

"Ang sarap-sarap pakinggan niyan dahil sa simula pa lang pagkabata ko, sila na yung gusto ko maging...fan ako ni Juday, ni Ate Claudine. For me, Juday will always be Juday, Ate Claudine will always be Ate Claudine. Ako, gusto ko lang, gusto kong gumawa ng sarili kong identity. Gusto kong gumawa ng sarili kong mga yapak," ang sabi ni Bea.

Marami ang nakakapansin na kasabay ng pagpapayat ni Bea ay ang pagtanggap niya ng mga mature roles, tulad ng character niya sa One More Chance at bilang bagong Jackie Madrigal sa Book 2 ng MSKM.

"Sinabi ko naman before pa na gusto kong i-reinvent ang sarili ko, at napakasuwerte ko naman na kasabay ng pagre-reinvent ko ng sarili ko ay binibigyan nila ako ng projects na magre-reinvent din sa akin. Somehow, nakikita ko yung change, and I'm glad nakikita ninyo rin yung change. And I'm really happy sa tinatakbo ng career ko ngayon."

With the powerhouse cast of MSKM Book 2—na kung saan dumagdag sina Philip Salvador, Rosanna Roces, Toni Gonzaga, at ang mag-boyfriend na Derek Ramsey at Angelica Panganiban—may mga nangangamba na baka ma-overshadow ng mga bago ang dating characters ng istorya na sina John Lloyd Cruz, Bea, Sam Milby at Anne Curtis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Diyan ninyo makikita kung gaano kagaling ang creative team namin. Like nung Book 1, marami din kami nun pero nabigyan ang bawat isa ng chance, and I can give you the assurance na marami kayong aabangan. In fact nung dumami kami, mas naging complex," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN